Buenas dias, amigos!
Ika-28 ng Abril ngayon taon 2010.
Matindi ngayon ang bakbakan sa bentahan ng mga diaryo sa iba’t ibang panig sa Metro Manila!
Marami tayong kasama sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na nag-report sa atin na lagi raw silang
nauubusan ng kopya ng TORO. Paktay!
Kailangan daw, alas singko pa lang ng umaga obligado ka nang bumangon para bumili ng TORO para ‘di
maubusan! He he he he!
Kahapon, alas 7:00 pa lang ng umaga, hirap na akong makabili ng TORO sa amin sa Cogeo, Antipolo City!
Kung saan-saang newspaper stand tayo nagtungo, sabi ng mga tindera, "Wala na ubos na. Dapat umaga ka bumili
kasi malakas ang TORO dito," nakangiting turan ng newsboy.
Napailing na lang ang inyong lingkod bago umuwi ng bahay.
May TORO akong nakita kahapon kaso nakatali pa sa puno ng mangga, baka tayo ay maboga! Ha ha ha!
Samantala, kamakalawa, tinamad talaga akong magsulat. Malakas pa kasi ang tama ng hangover! He he he!
Uy! Kumusta ang uwi nina Ka. Gerry Lanuza, Ka. Renito Arpilleda, Ka. Dioscoro Policarpio, at Ka. Glenn Villanueva
at Ka. Trixie Bellen?
Sila ‘yung aking natulugan nitong Linggo ng gabi dahil sa sobrang pagod sa trabaho at epekto na rin
ng maraming nainom na The Bar! Ha ha ha!
Si Ka. Rey Guinto, umaga na nakauwi. Sumabay na siya sa atin nang umalis tayo ng alas 5:00 ng madaling araw
noong Lunes. Paktay! Hindi ko man lang naipagtimpla ng kape si Ka. Rey. Nagmamadali po kasi. Bawi na lang ako sa susunod,
Ka. Rey.
Nag-text pala si Ka. Dan Alfred Madriaga kahapon. Miss na miss na raw niya ang grupo. Sasama raw siya sa
outing natin sa Linggo. At sa araw na ito, nasa Pampanga raw siya dahil may catering sila roon. Hindi niya alam kung anong
oras siya makakauwi. Samakatuwid, ‘di muna tayo tutuloy sa bahay ni Ka. Dan Alfred. Haist!
Sa ibang dako, balik si Ka. Nancy Malindog sa pagka-presidente sa Pinoy Hot Line Civic Organization.
Congrats! Si Ka. Jhun Benitez naman ay vice president. Sobrang busy po kasi si Ka. Jhun ngayon sa Tagaytay. Naku, yayaman
ka na niyan, Ka. Jhun! He he he!
Marami pa sana akong sasabihin nguni’t kapos na naman tayo sa ating espasyo, subali’t bago tayo
pansamantalang magpapaalam sa araw na ito, nais muna nating pasasalamatan si Ka. Imelda "Mhae" Paycana dahil sa pagiging masipag
at tapat niya sa ginaganapan niyang tungkulin sa ating samahan. Many thanks, Ka. Mhae!
Adios, amigos!