Buenas dias amigos!
Super na super busy na naman ang inyong lingkod kahapon!
Kabi-kabila kasi ang shooting!
Ang hirap palang mag-artista! Ha ha ha!
Nag-text sa atin kahapon ang mga kasamahan natin sa Pinoy Hot Line
Riders Club na sina Ka. Arnel Novelas at Ka. Marlou kaugnay ng binangga na isang matandang lalaki ng rumaragasang
motorsiklo sa may Araneta Avenue Tamar (malapit sa Arlington) sa Quezon City
Ayon sa kanilang report, kasalukuyang tumatawid ang biktima nang masapol
ito ng rumaragasang motorsiklo na may plate number NI 5716 na minamaneho ng isang Falon Bilmor Saludo.
Nasa kritikal na kalagayan ang biktima dahil sa lakas umano ng pagkasalpok.
Reklamo ni Ka. Arnel, sobrang tagal daw bago dumating ang ambulansya!
Naghihingalo na nga raw ‘yung tao, siyam-siyam pa bago dumating
ang rescue team.
Idinagdag pa nina Ka. Arnel at Ka. Marlou, kitang-kita nila kung paano
binangga ng motorsiklo ‘yung biktima.
Samantala, nag-text naman sa atin kahapon ang kasamahan natin sa PHLMCO
na si Ka. Rey Guinto, ito ay may kaugnayan sa isang traffic enforcer diyan sa Meycauayan, Bulacan na nakilala sa pangalang
Rolando Bulatao.
Ayon sa report ni Ka. Rey, hinamon ni Bulatao ng suntukan ang isang
driver ng PUJ na nakilalang si Maeran De Leon ng Valenzuela City.
Puwersa umanong kinaladkad ni Bulatao ang tsuper pababa ng dyip na
naging dahilan para tumama ang dibdib nito sa manibela.
Ang yabang pala ng Rolando Bulatao na ito!
Ang trabaho ng traffic enforcer ay nagmamatyag sa daloy ng trapiko
at titiketan ang sinumang tsuper na lumabag sa batas trapiko at hindi makipagsuntukan!
Kung totoo ngang kinaladkad ni Bulatao itong si De Leon, aba, ibang
usapan na iyan.
Puwede nang kasuhan ‘yan! Labag sa batas ‘yan!
Siguro naman, hindi kukunsintihin ni Mayora Joan Alarilla ang ganitong
uri ng traffic enforcer na ito.
Atensyon, Ma’am Alarilla! Pakiaksyonan n’yo ang sumbong
na ito! Tandaan mo, malapit na ang eleksyon... baka isang simpleng Bulatao lang ang sisira sa iyong kridibilidad at dignidad
diyan sa iyong nasasakupan. Aksyon!
Gusto n’yo bang malaman kung bakit kinaladkad ni Bulatao ang
tsuper, ayon kay Ka. Rey, trip lang daw!
Sa ibang dako, marami ang tumawag sa atin kahapon para mag-inquire
kung paano sumali sa Pinoy Hot Line Riders Club.
Lahat sila ay nangakong sasali sa ating samahan at pupunta sa Linggo
(Marso 21, 2010) sa Quezon City Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon.
Kita-kits, mga kasama!
Binabati pala natin ng happy PHL reading si Ka. Alberto Pasilan diyan
sa Purok 6, Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna.
Si Ka. Alberto po ay isa sa mga magtutungo sa Quezon City Circle sa
Linggo.
May nag-text!
"Sana makarating ito kay Mayweather family. Hey, Mayweathers, you lot
of garbage - talking assholes. Don’t boast of your last So-So wins again against those So-so fighters. You alone had
chosen to fight. Prove your mettle against our very own Pacman. Shut your smelly mouth with your pet dog’s fucking penis.
You son of a bitch! Gwaaak!"
–09308106424