Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC
na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
TATLONG araw na lang ay lalarga na ilang kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) patungong
Sogod, Southern Leyte sa darating na Linggo, Disyembre 26.
Kahapon,
naka-text natin si Ka. Renito Arpilleda na siyang mangunguna sa biyaheng ito.
Banaag sa takbo ng text niya na hindi biro ang biyahe nila sa Linggo.
Mantakin n’yong 1,054 kilometro ang lalagariin nila from Manila! Ang lupet ha!
Kapag iniisip ko ang biyaheng ito, pakiramdam ko, baka mangamote na ako sa bahaging Quezon Province pa lang! Ha ha
ha!
Ayon pa sa text ni Ka. Renito, buhay nila ang nakataya sa Sogod
Invasion na ito, kaya’t sana’y magiging ligtas ang kanilang biyahe sa Linggo na magsisimula ng ala-1:00 ng madaling
araw.
Ayon pa kay Ka. Renito, pupunta sila sa bahay ng inyong lingkod
bago siya bumiyahe.
Tinatawagan din natin ng pansin si Ka. Edgar Maglalang,
PHLRC Adviser, na magtungo rin sa bahay para mabigyan ng konting briefing ang ating mga kapatid na magtutungo sa So. Leyte.
Kahapon, bumiyahe ako ng Caloocan galing Antipolo City.
Patayo-tayo ako sa aking motorsiklo dahil sumasakit na ang puwet ko! Ha ha ha! Bigla kong naisip
ang biyahe ng ating mga kapatid sa Leyte!
Anyway, good luck at happy
trip na lang sa ating mga kapatid sa samahan na bibiyahe sa Leyte. Naka-monitor kami sa inyo.
Bagama’t unofficial trip, karangalan pa rin ito ng PHLRC sapagka’t bitbit nila ang
bandila ng samahan na kanila namang iwawagayway sa munisipyo ng bayan ng Sogod. Galing!
Siguro, kung ako ang mag-marshall sa biyahe na ito, 90kph lang pinakababa kong takbo! Ganyan kami ni Ka. Rico Rocero!
Ha ha ha!
***
Tinatawagan
ko ng pansin ang aking kapatid na si Jemuel “JP/Bobot” Demata na nagtatrabaho sa kabilang diaryo na makipag-ugnayan
sa akin sa 09192848266. Hindi kasi ako naambunan ng kanyang 13th Month! Ha ha ha! Joke lang.
***
USONG-USONG ngayon ang sakit na lagnat, ubo
at sipon. Para itong 3 in 1 coffee. Dulot ito ng pabago-bago ng ating klima lalo pa’t taglamig na ngayon.
***
May ilang opisyales ng PHLRC
na nag-text sa inyong lingkod kahapon. Sila po yaong ‘di aktibo o ‘di gaanong nagampanan ang kanilang tungkulin.
Nabasa nila ang isinulat natin kahapon na paalala, na kapag ‘di sila seryoso
sa kanilang responsibilidad sa samahan ay ibaba sila sa kanilang tungkulin.
Simple lang po ang pakiusap ng ating mga kapatid sa samahan. ‘Wag gawin na parang isang laruan lamang
ang ginagampanang tungkulin.
Ako, tayong mga opisyales, ay pag-asa
tungo sa paglago ng PHLRC/CO.
Bigla ko tuloy naaalala ang kantang “PASUMPA-SUMPA
KA PA”! Ha ha ha!
Bagong taon, bagong pag-asa, hangad ng bawat
isa sa atin ang patuloy na paglago ng PHLRC/CO katuwang ang mga opisyales ng samahan.