Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Who: PHLCO / PHLRC
What: Monthly meeting
Where: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
When: May 30 (Sunday), 2010 at 12:00 noon.
***
Buenas dias, amigos!
Ika-21 ng Mayo ngayon, taon 2010.
Nag-text sa atin kahapon si Ka. Reynaldo Dispo kung saan sinabi niyang personal na niyang naibigay ang mga requirements
niya para makasali sa PHLRC kina Ka. Marlou Dahunog at Ka. Ernie Padigdig. Kasama niya sina Renate Orag at Emmanuel
Salarez. Umorder na rin sila ng PHLRC uniform.
Welcome po sa PHLRC, ang bagong tahanan ng mga motorcycle riders sa bansa!
Napakahalaga ng paksang tatalakayin natin sa araw na ito. Nawa’y
makakadagdag ito ng kaalaman sa ating mga kababayang nagmamaheo ng motorsiklo.
10 PAYONG KALIGTASAN PARA SA MGA MOTORCYCLE RIDERS
1.) Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang
motorista. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.
2.) Basahin ang mga vehicle language pati na rin
ang mga drivers, cyclist at ang pedestrian na nalalamang parating ka. Hindi nila batid ang iyong layo at bilis. Huwag kang
umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin.
3.) Tingnan ang mga left turning vehicles at intersection. Kapag ikaw ay nabangga ng paparating na sasakyan na kumakambiyo
ng pa-kaliwa ay karaniwang sanhi ng pagsimplang ng motorsiklo.
4.) Laging tingnan ang likuran kapag nagmamaneho kapag nasa highway. Tingnan ang iyong salamin at
siguraduhing may katamtaman kang espasyo mula sa likuran. Ang mga drivers na nasa likuran mo ay baka hindi magmaneho ng mabagal
at baka magitgitan ka ng hindi mo inaasahan.
5.) Tingnan ang mga panganib na mayroon sa kalsada. Gaya ng basang kalsada, fluid spill o grasa, buhangin, graba,
highway sealant, mga railroad tracks (riles ng tren o humps), butas gaya ng imburnal o manhole, at iba pang gaya nito na maaaring
makaapekto ng iyong pagmamaneho. Magiging sanhi kasi ito ng iyong pagsemplang at aksidente.
6.) Hinay-hinay lang ang takbo kapag may kurba ang kalsada. Maaari kasing
lumagpas ka sa kalsada o sa sentro ng linya at mabangga ng paparating na trapiko. Tingnan lagi ang dinaraanan, mabagal lamang
ang takbo at piliin ang tamang posisyon ng linya bago pumasok sa kurbang linya.
7.) Magsuot ng tamang helmet. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang head injuries sa 67 porsiyento
ng pagkabangga at kaso ng pagkamatay naman ng 29 porsiyento. Siguraduhin na may sticker ang iyong helmet na nagpapakita
na isa itong de kalidad na motorcycle gear. Iwasang bumili ng gamit nang helmet. Maaaring nakaldag na iyon sa isang aksidente
at pinsala nito ay hindi basta agad malalaman.
8.) Magsuot ng protective clothing na dinisenyo para talaga sa mga motorcycle riders. Ito’y nakakatulong upang
proteksiyunan ka kapag nabangga. Pinoproteksiyunan ka rin nito sa maalinsangang panahon upang manatili kang komportable kahit
maalinsangan o kahit na umuulan. Proteksiyon din ito sa mga bumabagsak na debris kung mayroon man habang binabagtas ang kalsada.
Huwag magmaneho ng motor kapag suot mo lamang ay lightweight pants o slacks at shorts.
9.) Protektahan ang iyong mata at mukha. Ang hangin na nasasalubong habang
nagmamaneho’y nagiging sanhi ng panunubig ng mga mata, mga lumilipad na insekto. Ang alikabok at debris ay nakakapinsala
ng iyong mukha. Ang mabisang proteksiyon dito ay ang pagsususot ng full faced helmet na may shield na tumatakip sa mukha.
10.) Magsuot ng bright o maliwanag na kasuotan. Maglagay din ng extra reflecting material dito o
magsuot ng reflective vest. Bumili ng bright colored helmet at lagyan ito ng reflective tapes sa bawat kabila. Lagi rin dapat
nakabukas ang iyong headlight. Magmaneho sa tamang linya sa gayun ay madali kang Makita ng ibang motorista.