BUENAS dias amigos!
Ika-14 ng Abril ngayon taon 2010.
Nag-text sa atin ang ating kasama sa PHLRC kahapon na si Ka. Renito Arpilleda aka Road Spider.
Ayon sa kanya, pinuntahan niya si Ka. Nelson Barnedo aka Overtaker sa mismong tahanan nito. Doon niya nakita
na yupi-yupi raw ang motorsiklo ni Ka. Nelson. Makadalaw nga mamayang gabi para makita rin natin. Sinong gustong sumama sa
akin?
Samantala, gaya ng nasabi ko sa inyo kahapon, sa darating na Linggo, Abril 18, ay magkakaroon ulit ng meeting
ang buong PHLRC sa Quezon City Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon.
Medyo naging madalas ang ating meeting ngayon sapagka’t todo tayo sa paghahanda para sa magiging uniporme
ng PHLRC bago pa man tayo bibiyahe sa Pagsajan Falls sa darating na Mayo 2 (Linggo).
Sa darating na Linggo, nakahanda na rin ang kilawin ni PHLRC President Freddie Modesto na ihahanda
niya para sa ating mga kasama sa ating masayang samahan.
Ibig sabihin, pagkatapos ng meeting natin sa Linggo, tutulak ang grupo natin sa Fairview, Quezon City sa
bahay ni Ka. Freddie para magkaroon tayo ng konting salo-salo. Take note, bawal muna ang alak. Ginawa natin ang hakbang na
ito para iwas aksidente sa ating pag-uwi.
Mas maige nang ligtas tayong makauwi sa ating tahanan.
Sa susunod na Linggo, imbitado naman ng inyong lingkod ang ating mga kasama sa PHLRC sa mismong bahay naman
natin sa Cogeo sa Antipolo City. Sa darating pang mga Linggo, sa ibang miyembro naman ng PHLRC tayo bibisita.
Ginawa natin ito para lalo tayong magkakilala sa isa’t isa.
Samadaling sabi, madali ko na kayong mapuntahan kung gusto ko kayong utangan! Ha ha ha! Joke lang iyan, mga
kasama.
Kung minsan, gusto kong daanan si Ka. Dan Alfred Madriaga sa San Juan dahil araw-araw tayong dumadaan doon
pati na rin si Ka. Marlou Dahunog sa may Araneta Avenue, siguro sa mga susunod na araw, baka makadaan na tayo. Maghanda na
lang kayo ng kape, Ka. Marlou at Ka. Alfred! He he he!
Sa ibang dako, muntik kong makalimutan ito.
Napag-usapan nga pala ng grupo na magkaroon tayo ng biyahe sa Disyembre 26, 2010.
Ito ang pinakamalaking event ng PHLRC sapagka’t tutungo ang ating grupo sa Sugod, Southern Leyte!
Sa mga gustong sumama, maghanda-handa na kayo.
Napag-usapan na rin ng ating mga kasama ang mga lugar na magiging stop over natin sa naturang event.
Sa lahat naman ng readers ng TORO na gustong magpamiyembro sa PHLRC, mag-text lang po kayo sa akin
sa 09199813390. ‘Wag po kayong mahiya. Pumunta po kayo sa Linggo sa Quezon City Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon.
Pakidala na lang po ang xerox copy ng inyong driver’s license at rehistro ng motor, at isang piraso na 1x1 photo ID.
Asahan n’yo pong mainit po namin kayong tatanggapin.
Ubos na naman ang ating espasyo at bukas naman ulit, mga pare ko.
Adios, amigos!