Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
KAHANGA-HANGA
ang isang video clip na napanood natin sa Youtube kahapon.
Ang palaboy
na si Ted Williams na may ginintuang tinig para sa radyo ay nabigyan ng pagkakataon na maging announcer sa isang himpilan
sa Amerika.
Dahil sa kanyang talento, binigyan siya ng bahay ng himpilan.
***
Lima pala ang Linggo para
sa buwang ito ng Enero: 2, 19, 16, 23, 30.
Dahil dito, ang General Monthly
Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club & Civic Organization (PHLRC/CO) ay itinakda sa Enero 16 o sa Linggo, alas-9:00am
sa Quezon City.
Maraming paksa ang tatalakayin ang samahan, gaya ng pagpapatupad
ng bagong batas, basic media workshop, safety driving tips, solo pictorial (rider), 1st 2011 Official Trip in Mt. Samar in
Pilar, Bataan, impok-pilit, life insurance at maraming-marami pang iba.
***
ISANG sumbong ang nakarating sa inyong lingkod kahapon kung saan ibinuking ng ating
impormant ang ilang pulis ng San Jose Del Monte, Bulacan, na umano’y ginagamit at ibinibenta naman ang ibang motorsiklo
na kanilang narekober.
Tinatawagan natin ng pansin si PNP Chief, Director
General Raul M. Bacalzo.
Sir, pakiimbestigahan ang sumbong na ito bago
mo tuluyang linisin ang imahe ng ating kapulisan.
***
ISANG Jherance naman ang nag-text din sa Pinoy Hot Line.
Tanong niya, “Puwede po ba kami hulugan ng company namin sa SSS kahit po sinasabi nila na
sessional ang company namin?”
Ang sagot natin ay... Opo, karapatan
ng isang kumpanya (maliit man o malaki) na hulugan ang SSS ng kanilang mga tauhan.
Kung hindi ito ginagawa ng inyong kumpanya, may karapatan kang ihabla ang iyong kumpanya.
Bukas ulit!