Ang tamang
pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
First, special
report muna tayo buhat sa mga field reporters ng Pinoy Hot Line na gumagala sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila
maging sa karatig na mga lalawigan.
Basahin muna natin ang ulat ni Ka. Marvin Fuentes hinggil sa ulat niyang
isang lalaki na binundol ng kotse at napatay sa Quezon City. Narito ang kabuuan ng report.
***
DEAD-ON-THE
SPOT ang isang lalaking nakabisikleta na nakilalang si Roberto Caneta, 40 anyos, ng Tandang Sora Avenue, Quezon City matapos
siyang bundulin ng isang Honda Civic hunchback sa kahabaan ng Congressional extension malapit sa Visayas Avenue dakong alas-10:00
ng gabi kamakailan.
Habang mabilis na tumatakbo ang Honda Civic hunchback ay nabigla ang driver nito nang
may isang jeep na nagyo-U-turn.
Kinabig ng driver pakanan ang sasakyan at nabundol nito ang biktimang nagbibisikleta
na nasa gilid ng kalsada.
Nalaglag din sa butas ang kotse at bike na may 2 metro ang lalim. Duguan ang driver
ng Honda Civic hunchback na si Ranjit John Omaga, 33, na agad namang naisugod sa Capitol Medical Center.
Lumabas
sa imbestigasyon na nakainom si Omaga nang maganap ang insidente.
Kasong reckless imprudence resulting
to homicide and damage to properties ang isasampa laban sa kanya.
MARVIN FUENTES
***
MUKHANG
kinarma itong si Gov. Chavit Singsong matapos na makulong ang kanyang anak sa Hong Kong.
Kung inyong
matatandaan, si Gov. Chavit Singson ang nagpatalsik noon kay dating Pangulong Erap Estrada matapos niyang akusahan ang dating
pangulo na tumanggap ng payola mula sa sugal na jueteng.
Ang karma, kung hindi man ito direktang tatama
sa iyo, maaaring ang pamilya mo ang mayayari rito, at siyempre, masaklap ito lalo na kung sa iyong sariling anak ito mangyayari
katulad ng sinapit ngayon ni Gov. Chavit. Hay buhaaay!
***
Update naman tayo sa Leyte Invasion ng PHLRC.
Isinusulat
natin ang kolum na ito kahapon, inaasahang magla-landing na ang Leyte Team sa Cogeo, Antipolo City, Rizal dakong alas-6:00
kagabi.
Abangan n’yo bukas ang buong detalye.
***
SA darating
na Linggo (Enero 9), magkakaroon ng emergency meeting ang lahat ng miyembro at opisyales ng PHLRC sa Quezon City Memorial
Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga.
Marami tayong mahahalagang paksang tatalakayin sa araw na ito.
Maliban
pa riyan, ise-celebrate din natin ang matagumpay na pagdating ng matapang na Leyte Team sa bayan ng Sogod, Southern Leyte.
Karangalan
ito sa ating samahan, mga kapatid!
Pakinggan din natin ang mga kuwento nila habang tinatahak nila ang ang
mahigit sa 1,050 kilometrong layo mula Maynila hanggang Sogod, Southern Leyte.
Magbibigay-pugay po tayo sa ating
mga kapatid na walang takot na sinusuong ang sama ng panahon marating lang ang bayan ng Sogod.
Saludo kami
sa inyo mga kapatid na Renito Arpilleda, Glen Calalang, Michael Aghon, Garry Lilio, Alejandro Parilla Jr., at Nancy Malindog!
***
BINABATI
natin ang ating mga kaibigan na suking readers ng Pinoy Hot Line na mga miyembro ng samahang TEMPUS BOYS na sina Mang Boy,
Tony Liwag, Mario Notarte, Jeff, Arnold, Elwood, Roel, Allan, Elan, at Dolfo.
Maligayang bagong taon sa inyo,
mga pare ko!
***
Sa mga magpamiyembro sa PHLRC, punta lang kayo sa Quezon City Circle
(DAR gate) sa Enero 9, sa oras na alas-9:00 ng umaga. Dalhin ang xerox copy ng inyong driver’s license, company ID,
at OR/CR ng inyong motorsiklo.