Ang tamang pagbigkas ng PHLRC
ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-14 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Alas 7:00 ng gabi nang karakang umuwi ang inyong lingkod matapos makatanggap ng isang text mula
kay Kumander na kailangang kong bumili ng tawa-tawa, isang uri ng damo na gamot sa dengue, sa Quiapo.
Paglabas pa lang natin sa tanggapan ng inyong paboritong pahayagan, sinalubong
na agad tayo ng malakas ng buhos ng ulan.
No choice tayo kundi bumili ng kapote sa Metropole sa Avenida, Sta. Cruz, Manila dahil malapit lang iyan sa aming
tanggapan.
Matapos makabili, mabilis
kong pinaandar ang aking motor at humarurot na patungong Quiapo.
Bagama’t gabi na, naabutan pa rin nating bukas ang tindahan na nagtitinda ng mga herbal na
medisina.
Pagkatapos bumili, sumakay
agad ng motorsiklo ang inyong lingkod sa kabila nang lalo pang lumakas ang ulan nang gabing iyon.
Balak ko sanang dumaan sa Ilalim doon sa Quiapo para doon mag-U-Turn subali’t
matindi na ang trapiko sa nasabing lugar.
Napilitan dumiretso ang inyong lingkod patungong Manila City Hall kung saan doon na lang sana ako mag-yu-U-Turn.
Sa may Liwasang Bonifacio pa lang, sa harap ng Manila
Post Office, parang sinisinok na ang aking motorsiklo.
Putik! Duda akong nakahigop ng malamig na ulan ang aking motorsiklo.
Sa kabila ng hirap na dinaranas nang magsimula nang magka-stranded sa lugar na iyon, patuloy pa
rin tayong sumisingit sa mga nakahintong sasakyan, at ang aking service naman ay para nang naghihingalo hanggang sa tuluyang
napigtas ang hininga nito!
“Paktay
kang bata ka!” ‘yan ang nasambit ng inyong lingkod na basam-basa na sa ulan nang gabing iyon.
Kahit anong gagawin ko para mapaandar ang aking service,
ayaw at ayaw na talaga niya!
“Anong
nangyayari diyan?” tanong ng ilang motorista sa akin nang makita nilang nakatiwangwang ang aking motor sa may center
island malapit sa Manila City Hall.
“Tumirik!
Basa ‘ata ang spark plug,” sagot ko sa kanila.
Bagama’t emergency sa akin ang gabing iyon sapagka’t hinihintay na ako ni Kumander sa
bahay dahil ang panganay namin ay nakakaranas ng mataas na lagnat, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.
Sa kakarampot na load na natitira sa aking cellphone,
tinext ko ang lahat ng mga kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) para humingi ng saklolo.
Mabilis silang nagsi-reply at tinatanong ang eksaktong lokasyon ng aking
kinaroroonan.
Bagama’t stranded
na ang mga sasakyan sa may bahagi ng Manila City Hall dulot ng baha sa naturang lugar, unang nakarating sa aking kinaroroonan
si Ka. Louie Salva.
Nakita natin
siyang walang dalang motor. Iniwan pala niya ang kanyang service sa harap ng Letran malapit sa National Press Club o NPC.
Kaagad naming dinala ang aking motor sa pinagparadahan
ng kanyang big bike.
Habang abala
kami ni Ka. Louie sa pangungulikot sa basang spark plug ng aking motorsiklo, dumating din sa lugar namin si Ka. Jojo Parilla
na may dala-dalang isang litro ng gasolina.
Nasabi po kasi natin sa kanya na baka naubusan din ako ng gasolina kaya ayaw nang umandar ang aking motorsiklo.
Sunod na dumating si Ka. Ronnie Terrado kasama si
Ka. Karen Rocero na na-stranded sa may tulay papuntang Quiapo.
Dumating din si Ka. Rico Rocero kasama ang may bahay na si Ka. Monica at isang dalaga na anak ‘ata
nila. ‘Di ko po kasi natanong, he he he!
Halos mag-iisang oras nang inaayos ang aking motorsiklo pero ‘di pa rin ito napapaandar ng ating mga kasama
sa PHLRC.
Maya-maya pa ay dumating
din sa erya si Ka. Ernie Padigdig.
Kinalkal
niya ang karburador ng aking motor.
Doon
natuklasan na kaya pala ‘di umandar ang aking sasakyan dahil nalunod na ito dahil sa maraming nalunok na tubig! Ngeek!
Makalipas pa ang ilang sandali, napaandar na nila
ang aking motor. Tagumpay!
Hanggang
sa kasalukuyan, napagtanto ko na sa mundong ito ay kailangan mo talaga ng maraming tunay na kaibigan. Sa oras na magkaroon
ka man ng problema, hindi ka nag-iisa.
Maraming-maraming salamat po sa ating mga kasama sa PHLRC na nag-aalala sa kalagayan ng inyong lingkod nang gabing
iyon lalo na sina Ka. Ruben Cabrillas, Rolly Malupa, Ronald Mendez, Renito Arpilleda, Lawrence Enriquez, Glen Villanueva,
Jojo Leuterio, Dan Alfred Madriaga, Freddie Modesto, Erwin Rosaldo, Arnel Novelas, Reynaldo Dispo, Glen Calalang, at marami
pang iba.
Sa lahat ng mga kasapi
sa PHLRC, saludo po ako sa inyong lahat! Talagang hindi ako nagkakamali ng binuo kong samahan.
Paano na lang kaya kung walang PHLRC nang gabing iyon? Malamang na para
akong basang sisiw na nagtutulak ng aking motorsiklo.
Salamat din sa pasaload ni Ka. Nancy Malindog, at kay Ka. Mhae Paycana na siyang nagbigay naman ng info sa ating mga
kasamahan.
Hunyo 11, 2010... diyan
ko nasusubukan ang pagmamalasakit ng aking mga kasama sa PHLRC.
Ay, sorry! Tagay ko na pala! Ha ha ha!
Adios, amigos!