Buenas dias amigos!
Sabado ngayon, petsa Marso 20, 2010.
Bukas, araw na Linggo, walang isyu ang inyong paboritong pahayagang TORO.
Siya nga pala, ano ang naging reaksyon ninyo ngayong tapos ang kinagigiliwan ng lahat, ang nobelang Bahay-Kubo?
Sad o happy? He he he!
Nitong huling meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) noong nakaraang Linggo, tinatanong tayo
ng ating mga kasama sa riders club kung bakit daw biglang natapos ang mga nobelang "Sa Piling Ni Nanay" at "Ma’am Sanchez"?
Anong sagot naman natin sa kanila, dudurugtungan pa ang mga iyon ng writer ng TORO sa 2020! Ha ha
ha! Joke lang po.
Samantala, bukas po ay magkakaroon ng meeting-seminar ang lahat ng mga opisyales at miyembro ng PHLRC sa
pangunguna ng ating presidente na si Ka. Freddie Aguilar, este! Freddie Modesto at Gerry Peñalosa, este! Gerry Lanuza na siya
namang vice president ng samahan sa Quezon City Circle sa oras na alas-3:00 ng hapon. Bukas na iyan.
Inaasahang marami ang dadalo sa naturang meeting-seminar sapagka’t magtutungo rin sa Quezon City Circle
ang bagong mga miyembro at magpapamiyembro sa PHLRC.
Pero, bago ko makakalimutan, lahat po ng opisyales at miyembro ng PHLRC ay magsusuot ng kulay na itim na
t-shirt habang color white naman ‘yung mga magpapamiyembro pa lang.
Sa mga magpapamiyembro, dalhin n’yo na po ang inyong pina-xerox na driver’s license at rehistro
ng motorsiklo kasama na ang inyong 2x2 photo ID.
Sa naturang meeting-seminar, doon natin isa-isang sagutin ang mga katanungan ng ilan nating kababayan kung
ano nga ba talaga ang tunay na layunin ng PHLRC.
Paplantasahin din ng mga opisyales at mga miyembro ng PHLRC ang first outing sa darating na Abril 1, 2010
sa Nasugbu, Batangas.
Paalala ko lang, kailangan po ay makapunta kayo ng mas maaga para magpa-picture taking tayo kasama ang inyong
mga motorsiklo at ilalathala natin dito sa ating kolum sa Martes.
Kamakalawa nga pala, inireport sa atin ng ating kasama sa PHLRC na si Ka. Arnel Novelas ang naganap na sunog
sa likod ng Nolasco High School diyan sa may tabing ilog, sa Tondo, Manila.
Nagsimula umano ang apoy dakong alas 10:30 ng umaga at naapula bandang alas 12:00 ng tanghali.
Ayon kay Ka. Arnel, ang pinagmulan ng naturang sunog ay ang pagputok ng aircon jumper.
Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa naturang aksidente.
Samantala, mukhang paubos na naman ang ating espasyo ngayon at kita-kits na lang ulit tayo bukas sa Quezon
City Circle.
Panawagan kay Ka. Rey Guinto, punta po kayo bukas sa QC Circle dahil may ibibigay po ako sa inyo.
Tagubilin sa mga Lider at mga Riders
(Karugtong kahapon)
Ride defensively- Huwag mong asahan lagi na ang isang driver ng ibang sasakyan ay lagi kang nakikita.
Tandaan na halos karamihan ng motorcycle accidents ay sanhi ng paglabag ng isang driver sa riders right way. Laging i-on ang
iyong headlights. Umiwas sa drivers blind spot, sumenyas lagi kapag magpapalit ng direksiyon o liliko. Tingnan lagi ang mga
turning o palikong mga sasakyan.
Matuto muna bago magmaneho o gamitin ang iyong kaalaman- Kailangang dumaan ka sa husto at tamang proseso
at programa bilang rider ng isang motorsiklo. Kumpletuhin ang pormal na riding education program. Kumuha ng lisensiya at riding
courses batay sa pagkakasunod-sunod o hinihingi ng pagkakataon. Sa gayun, mapapaunlad nito ang iyong riding techniques at
magiging alerto ka sa bawat pagmamaneho sa kalsada. Bawat salang mo sa kalsada, alam mo na dapat ang gawin at hindi nararapat
na gawin bilang isang motorista.
ITUTULOY