Buenas dias amigos!
Ika-13 ng Mayo ngayon, Huwebes taong 2010.
Isinusulat natin ang kolum na ito, naka-text
natin si Ka. Nelson Barneda aka Overtaker. Hinihintay na raw niya tayo. Pupunta kasi tayo ngayon sa bahay niya para silipin
kung kasya ang grupo natin na magtutungo sa darating na Linggo pagkatapos ng meeting ng Pinoy Hot Line Civic Organization
o PHLRC (Pil-RC ang tamang bigkas) at ‘yung isa pang lugar na may swimming pool. Aniya, sagot na raw niya ang pulutan
at pagkain. Galing naman!
Naka-text din natin kahapon si Ka. Mark Gomez ng Pinoy Hot Line Civic
Organization o PHLCO. Kinukumusta lang niya ang ating samahan. Miss na miss na raw niya ang grupo. Well, kung totoo ngang
nami-miss niya ang PHLCO, i-kiss niya ang lahat ng miyembro nito sa monthly meeting sa darating na Mayo 30, ha ha ha!
Samantala, napadaan tayo kamakalawa sa trabaho nila ni Ka. Marlou Dahunog at Ernie Padigdig sa may Araneta
Avenue, Quezon City.
Hindi na natin naabutan si Ka. Ernie dahil nag-out na raw ito at sinundo
na niya ang kanyang kumander. Nakausap natin si Ka. Marlou.
Aniya, kumpirmado na ang outing ng
PHLRC sa bayan nila ni Ka. Ernie sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Okey na raw ang isang
kambing na kakatayin para gawing papaitan at iba pang luto. Sarap! Ha ha ha!
Mayroon daw isang
resort doon na puwedeng tambayan ng ating grupo para sa buong araw at magdamag. Wew!
‘Pag
nabasa ito ni Ka. Rico Rocero, tiyak na magte-text iyon ng “happy-happy na naman tayo, Founder! Yahooo!” He he
he!
Ganyan dito sa PHLRC! Haist!
Atensyon pala kay Ka. Dioscoro Policarpio
aka Gibo, pictorial ulit tayo sa Linggo. Malabo po kasi ang kuha natin sa Matabungkay.
Happy wedding
anniversary nga pala sa ating kasama sa PHLCO na si Ka. Rey Guinto at sa kanyang may bahay na si Claire Guinto.
God bless po sa inyo. Sana wala nang basagan ng plato! Ha ha ha! Kaldero naman! Ngeek!
Uy!
Kumusta na nga pala si Ka. Diosdado “Jhun” Benitez?
Si Ka. Mhae Paycana, hindi pa rin kumukupas
sa pagpapadala ng quotes at jokes sa mga cellphones ng ating mga kasama, kaya laging masaya!
Binabati
nga pala ni Ka. Angie Santos ang vice-mayor diyan sa San Pedro, Laguna na si Temy Simundac na nanalo ulit sa pagka-bise alkalde.
Kamakalawa, nakausap natin ang ilang kapatid nating Muslim sa Quiapo. Anila, maagang kinarma si Manny
Villar. Nagpagawa raw kasi ito sa kanila ng 1 milyong pirasong CDs na naglalaman ng Luisita Massacre at Mendiola Massacre
para sirain si Noynoy Aquino.
Adios amigos!