Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
3 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. Yahooo!!!
***
PATULOY na dinudumog ng mga riders club
ang Facebook account ng PHLRC.
Ang ilan sa mga kaibigan nating ito
ay buhat pa sa malalayong lugar gaya ng Davao Raiders Club sa Tagum, Davao; Curbada Riders sa Borongan, Eastern Samar; Speedometrix
MotoClub sa Davao City; Jetridersclub Pampanga sa Angeles City, Pampanga; Jrc Pagsanjan sa Laguna; Arms Riders sa Muntinlupa
City; Cavitepro Riders sa Sorsogon; Cobra sa Antipolo City; Filter Riders sa Fortune Branch, Oregon, United States; Pyro Ignition
sa Pangasinan; Independence RidersTeam sa Davao City; at super-duper dami pang iba.
Kumusta na nga pala ang malapit nating kaibigang riders club na MRC o Marilao Riders Club diyan sa Marilao, Bulacan?
Magparamdam naman kayo, mga pare ko.
Isinusulat natin ang kolum na ito, mayroon
nang 1,195 friends ang PHLRC sa Facebook.
Sa mga gustong i-add ang PHLRC, heto
po ang aming e-mail address, phlco@yahoo.com.
Nag-text sa atin si Ka. Edgar Maglalang
kahapon.
Tiniyak niyang kaisa siya sa patuloy na paglago at pag-unlad
ng PHLRC. Galing! Hangad niyang makapag-bonding ulit ang samahan.
Samantala,
bukas ng alas-9:00 ng gabi, magkita-kita ang PHLRC riders sa Pit Shop sa 153-D Araneta Avenue, Santol, Quezon City. Magtutungo
po ang grupo sa Villamor Air Base sa Pasay City para makiramay sa pagpanaw ng bayaw ni Ka. Miguel Dulay na si Arthuro “Allan”
Cortez na binawian ng buhay matapos atakehin sa puso nitong Setyembre 22. Kita-kits, mga kapatid!
Bukas, sa kolum na ito, tatalakayin naman natin ang mahahalagang paksa bilang paghahanda ng PHLCO/RC
sa 5th Outing sa darating na Linggo.
Kahapon, nangalap ng impormasyon ang
inyong lingkod na may kinalaman sa lagay ng panahon sa ating bansa.
Mayroon
tayong namataang dalawang sama ng panahon sa bahagi ng kanluran ng Pilipinas. Hindi pa tiyak kung magiging bagyo ang mga ito
sa loob ng 24 oras.
Ang isang sama ng panahon ay posibleng tatama sa ilang
bahagi ng Metro Manila, sa Visayas at Mindanao sa darating na Sabado.
Ang
isa namang sama ng panahon ay posibleng manalasa sa Linggo o kaya’y sa Lunes sa buong Pilipinas kung hindi magbabago
ang direksyon nito.
Kuwentuhan uli tayo bukas, mga pare ko.
Paano na iyan kung biglang umulan? Matutuloy pa ba ang Matabungkay Outing?
Iyan ang pag-uusapan natin bukas.