Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC
na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
NAKAUKIT na sa kasaysayan ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ang katapangan at kabayanihan ng
Leyte Team na walang takot na sinugod ang bayan ng Sogod, So. Leyte sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at hampas ng malakas
na hangin habang tinatahak ang 1,054 kilometrong hi-way mula Maynila.
Dakong ala-1:56 ng hapon nitong Disyembre 28, 2010, narating ng Leyte Team ang Sogod.
Personal nilang nakamayan ang alkalde roon na si Hon. Sheffered Lino S. Tan at ang bise-alkalde na si Hon. Rufo Olo,
gayundin ang police inspector ng Sogod Municipal Police Station na si Ambrosio Rosal.
Ligtas silang nakabalik sa Cogeo, Antipolo City, Rizal, kung saan sila nag-take-off papuntang Sogod, kamakalawa dakong
alas-8:44 ng gabi.
Mula sa mga readers ng TORO, mga kapatid sa PHLRC/CO,
mga friends sa Facebook, mga kamag-anak, kakilala, at kung sino pa, isa-isa lang ang kanilang masasabi sa Leyte Team, “Nakakamangha,
nakakabilib!”
Ang Leyte Invasion na may temang “Sugod sa Sogod”
ay pinangungunahan ni Ka. Renito Arpilleda kasama sina Glen Calalang, Alejandro Parrilla Jr., Michael Aghon, Gary Lilio at
Nancy Malindog.
Congrats, Leyte Team!