Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-28
ng Hulyo ngayon, taong 2010. Marami tayong texters today.
“Good day,Mr. Demata. Gusto ko lang sanang pakiusapan ang management ng Grand
Central Mall na maging alerto ang mga security guard nila. Talamak na ang snatcher at budol-budol gang doon. Sa sobrang dami
ng daanan na wala namang security guard, marami tuloy kawawang tao ang nabibiktima.”
–09217897492
Sagot: Mas mabilis ang aksyon kung makipag-ugnayan
po kayo sa Caloocan-PNP. Anyway, sana mabasa ito ng ating mga kapulisan diyan sa Caloocan para maaksyonan nila sa madaling
panahon ang sumbong na ito.
“Magandang araw po. Reklamo ko lang po kay P’Noy na sana bigyan n’yan ng pansin ‘yung mga abusadong
agency na wala na nga sa minimum ang sahod, hindi pa naghuhulog ng SSS, Pag-ibig, pero kinakaltasan nila ang sahod ng mga
manggagawa nila. Kawawa naman itong mga nagtatrabaho ng maayos. Sana may mabigyan ng pansin ito ni P’Noy.”
–Concerned Citizen 09109811625
Sagot:
Tama po kayo. Isa sa mga agency ang madalas na inirereklamo ay ‘yung ilang security agencies. Marami pong nagte-text
sa atin na mga sekyu para ireklamo ang kanilang ahensya. Ang kanilang hinaing ay nagtatrabaho sila ng dose oras pero ganu’n
pa rin ang sahod. Wala sa minimum ang kanilang suweldo at hindi inihuhulog o nire-remit ang kanilang pera sa SSS, etc. Maganda
ang komento mong ito. Batid nating makakarating ang suhestiyon mo kay Pangulong Noynoy Aquino. Seryoso si P’Noy para
sa kapakanan ng mahihirap.
“Isang panawagan po para sa LTO-Region 3 at Traffic Division ng Meycauayan, Bulacan. Bakit hindi nila mapigilan
ang mga outline na PUJ, kaming mga lehitimong biyahe ng Meycauayan-Monumento ang nawawalan ng pasahero. Pati mga bus, biyaheng
Malanday sa Meycauayan naka-terminal. Ang sistemang lagayan ang umiiral sa Meycauayan.”
–Rey Guinto ng PHLCO
“Magandang araw po. Nais ko po sanang bigyan natin ng leksyon ang mga vendors dito sa Morayta,
R. Papa. Karamihan na talaga mga kasabwat ng holdaper, madalas po ang style nilang ito sa mga pulis. Gumising na kayo. Sa
mga vendors alam n’yo iyan at mga side car boys dito, natutulog sila po ang mga salot. Salamat po.”
–09994365042
Sagot: Tama po
kayo. Hindi naman natin nilalahat, pero may ilang pulis na kasabwat ng mga holdaper, kaya malakas ang loob ng mga ito na mambiktima
sa ating mga kawawang kababayan. Speaking of holdupper, dapat talaga pinapatay ang mga demonyong ito. Bakit? Halimbawa, may
dala kayong pera. Naglalakad kayo sa daan. Ang perang iyon ay para sa isang miyembro ng inyong pamilya na nakaratay sa ospital.
Ang pera ring iyon ay inutang mo lang para maipanggamot lang sa iyong mahal sa buhay. Kumbaga, kung walang pera, hindi maooperahan
ang iyong pasyente. Nagmamadali kang naglalakad sa daan para magtungo sana sa ospital nang bigla kang harangin ng mga holdaper
at limasin ang iyong dalang pera. Ano ang gagawin mo? Dapat talaga sina-salvage sa Pasig River ang mga demonyong ito para
‘di na makapangbiktima sa ating mga kababayan. Siguro naman ay natandaan n’yo pa ‘yung isang seaman na pinatay
ng dalawang holdaper sa Maynila kamakailan. Walang kalaban-laban ang biktima nang barilin ito sa ulo. Bago tumakas ang mga
suspek, kinulimbat muna ang alahas ng biktima. Malas lang dahil nakunan ng CCTV ang mga holdaper at kung paano nila pinatay
ang biktima. Pinag-aralang mabuti ng WPD ang CCTV hanggang sa matukoy nila ang pagkakilanlan ng mga holdaper. Ilang araw ang
nakalipas, nahuli nila ang isa sa mga holdaper matapos itong matukoy sa pinagtataguan nito dahil sa tip ng mga concerned citizen.
Wala pang isang linggo, pumutok agad ang balita na pinatay na ang nasabing holdaper. Ang siste, nanlaban umano ang naturang
holdaper sa mga pulis nang dalhin sana nila ito sa korte. ‘Yan dapat ang batas para sa mga holdaper. Naalala ko tuloy
ang Davao Death Squad! Ang DDS umano ang responsable sa pagpaslang sa mga drug pusher, holdaper at iba pang masasamang
loob sa Davao.
“Good
day, Sir. Ronald Lopez here. Your group might be interested in Micro Insurance for your riders. It pays out P50,000 immediately
any kind of death and another P100,000 if death is by accident. It can also be done for income generation for the group. If
you want we can discuss it further if we can meet up.”
–091788195++
Sagot: Nakatutok ngayon ang PHLRC para sa insurance ng bawat kasapi nito. Antayin
n’yo, makipag-ugnayan sa inyo ang aming sekretarya.