Buenas dias amigos!
Ika-3 ng Mayo ngayon, araw na Lunes taong 2010.
Mahalagang paksa ang tatalakayin natin sa araw na ito, pero bago diyan, nais muna nating batiin ng magandang
araw ang nagagandahang dilag na sina Cyndy Pacayo at Jocelyn Mora, mga crew ng Transfer It diyan sa Isettan
Recto Branch, gayundin sa kanilang masipag na artist na si Frederick dela Cruz. Happy Pinoy Hot Line reading!
Para sa inyong kaalaman, sila po ay gumagawa ng uniporme ng PHLRC.
See you again, guys! Marami pa kaming ipapatrabaho sa inyo, he he he!
Samantala, bilang isang miyembro ng organisasyon gaya ng Pinoy Hot Line Rider Club, talaga namang
nakaka-aliw at nakakapagbigay ng saya sa sarili bilang motorista kapag nakasama kang nagbibiyahe ng naturang organisasyon.
Kapag miyembro ka ng isang club, nariyang nadadagdagan ang iyong tiwala sa sarili, natutuwa ka dahil may
mga kaibigan kang katulad din ng iyong hilig. Natural, bilang kasapi ng isang motorcycle riders club gaya ng PHLRC,
nariyang may trip kayo o biyahe na sama-sama. Ito ay sa pagkakataong kinakailangan gaya ng meeting, outing, at motorcade.
Ngayon, anu-anong mga alituntunin o batas ang nararapat gawin kapag nagbibiyahe ng sabay-sabay?
1. Bago ang nasabing sama-samang biyahe, tiyaking nasa kondisyon ang iyong motor. Ito ay para maiwasan ang
abala kapag nasa aktuwal na biyahe. Ayusin, palitan, gawin ang kinakailangan para masabing okey na sa road trip ang iyong
motor.
2. Magtakda ng meeting place kung saan magtatagpo. Kung kinakailangang nasa takdang oras iyon, mas mainam.
Kung may hinihintay pa, isangguni sa mga kasamahan kung sila ay hihintayin pa. Kung hindi na talaga mahihintay, i-text na
lang na nasa ganitong lugar ang grupo. Sa gayun, makakasunod sila sa inyong napag-usapang ruta.
3. Magtakda ng isang maayos na ruta na hindi makakasagabal sa ibang motorista. Huwag umastang hari kayo ng
kalsada. Iwasan ang mga busina kung hindi naman kailangan. Sundan ang ruta na gaya ng isang linya upang maayos tingnan ang
mga motor na tumatakbo.
4. Huwag humiwalay sa napagkasunduang routing lane o linya ng kalsadang tinatakbuhan ninyo. Magulong tingnan
kapag watak-watak. Kung maari, tatlong linya lamang upang hindi ninyo okupado ang ibang linya, sa gayun ang ibang motorista’y
makadaan din sa nais nilang linya.
5. Mas magandang nasa complete gear ang get-up ninyo gaya ng jacket, gloves, helmet, boots, at komportableng
pants upang mas magandang tingnan. Magmumukhang gangster ang grupo kapag iba-iba ang get-up. Kung kinakailangan, mas mainam
na may color scheme kayo kung ano ang isusuot.
6. Magbaon din ng tool kit, tubig, para malunasan ang aberya kapag tumirik ang sinasakyang motorsiklo. Maging
disiplinado rin sa lansangan sa paraang nasa maayos ang takbo ng motor na hindi pinababarurot.
7. Sundin din ang bats trapiko. Kapag nakita sa traffic lights na huminto, huminto kayo. Sumenyas kung liliko
at bumusina ng mahina lamang na sabay-sabay para hindi nakakairita sa tenga. Sa gayun, mabibigyan ng ilang senyales ang ibang
motorista sa inyong nais na gawin.
Adios amigos!