Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
Ilang araw na lang ay lalarga na ang ilang kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club
(PHLRC) sa Sogod, Southern Leyte sa Disyembre 26, 2010.
Sa kasalukuyan,
ito na ang pinakamalayong biyahe ng PHLRC sa taong ito.
Ang Sogod Invasion
na ito ay pamumuan ni Ka. Renito Arpilleda kasama sina Ka. Alejardo Parilla, Ka. Glen Calalang, Ka. Michael Aghon, at Ka.
Gary Lilio. Sila pa lang ang nalaman kong sasama sa biyahe.
Pagdating
ng Sogod Boys sa naturang lugar, itataas ng ating mga kapatid ang bandila ng PHLRC! Astig!
Maliban dito, makipag-meet din ang ating mga kapatid sa kaibigang riders natin na Curbada Riders na nakabase sa Leyte!
Kita-kits!
At siyempre pa, habang nasa biyahe ang Sogod Boys, magpapakuha
rin sila ng larawan at ipapadala sa inyong lingkod para malaman ang huling kaganapan ng kanilang biyahe.
Nakatutok dito ang lahat ng kasapi sa PHLRC.
Happy trip, mga kapatid!
***
Nag-text kamakalawa si PHLRC President Freddie Modesto kung saan humingi siya ng paumanhin sa lahat ng kapatid sa
samahan kaugnay ng ‘di niya pagdalo sa Christmas Party ng PHLCO/RC nitong Linggo.
Aniya, nagkataon na nagkaroon ng problema ang kanilang pamilya kaya’t hindi siya nakadalo sa pinakamahalagang
okasyon ng samahan.
***
Nanghihingi rin ng paumanhin si PHLRC Internal Secretary Nancy Malindog kay Ka. Mark Joseph Gomez ng PHLCO.
***
May biyahe ang PHLRC sa darating
na Enero 30 (Linggo), 2011 sa Mount Samat sa bayan ng Pilar, Bataan. Ito ay unofficial trip lamang.
***
Ang official trip ng PHLRC ay sa darating
na Abril 2011 sa Baguio City kasabay ng Holy Week.
Paghahandaan n’yo
ito, mga kapatid!
Official trip means obligadong sumama ang lahat ng
PHLRC riders.
***
Paalala sa lahat ng PHLRC riders.
Muling magbabalik ang ating aktibidad
na Takbo PHLRC sa Enero 9 (Linggo), 2011. Kita-kits.
***
Sa Enero 2011, pinaghahanda ng P300 ang lahat ng PHLRC riders. Ito ay gagamitin para sa ating life
insurance.
Hindi ito para sa akin, sa ating grupo kundi ito ay para
sa inyo.
***
Simula
rin sa Enero 9, muling ilulunsad ang “Impok-Kusa” sa lahat ng PHLCO/RC.
***
Simula rin sa Enero 2011, iimplementa na ang rules and regulations
ng PHLRC. Sa ilang opisyales ng PHLRC na ‘di aktibo sa kanilang tungkulin, ibaba kayo kung ‘di pa rin ninyo gagampanan
ang inyong responsibilidad sa samahan.