Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC.
***
MASAYA
ang lingguhang aktibidad na “TAKBO PHLRC” kahapon sapagka’t nakiisa ang marami nating kasama sa Pinoy Hot
Line Riders Club (PHLRC) katuwang ang ilang opisyales ng Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLC).
Sumakit ang katawan ng inyong lingkod dahil
sa naka-anim na ikot sa Quezon City Memorial Circle. Next time, baka makasampu na! Ha ha ha ha!
Si Ka. Alenjando “Jojo” Parilla
ang humataw na para bang ayaw nang tumigil sa pagdya-jogging! Kung ikukumpara natin sa kalagayan ng taxi driver na namamasada,
humahataw si Ka. Jojo para maka-boundary ng maaga! Ha ha ha!
Ang hinanap ni Ka. Jojo ay si Ka. Rico Rocero na hindi naman nakapag-jogging
dahil sinumpong ito ng arthritis sa kaliwa niyang paa.
Bagay na magsama sina Ka. Rico at Ka. Jojo pagdating sa jogging dahil parang
ayaw na nilang tumigil sa pagtakbo! Ha ha ha!
Sa aktibidad ng PHLRC kahapon, kumpleto ang Board of Trustee ng samahan. Nakarating din ang ating
presidente na si Ka. Freddie Modesto at bise-presidente naman na si Ka. Gerry Lanuza kasama ang kanyang misis.
Siyempre pa, laging nangunguna
sa area ang ating masisipag na mga secretary na si Ka. Nancy, M., Ka. Imelda Taganas, at Ka. Lawrence Enriquez.
Samakatuwid, narito ang
mga nakiisa sa aktibidad ng grupo kahapon: Imelda Taganas, Eustaquio Tabag, Ruben Cabrillas, Rolly Malupa, Lawrence Enriquez,
Dioscoro Policarpio, Alejandro Parilla, Gary Lilio, Reynaldo Orag, Albert Sanico, Freddie Bonto, Jesus Del Agua, Freddie Modesto,
Michael Escol, Ronnie Terrado, Karen Rocero, Glen Calalang, Gerry Lanuza, Ernesto Padigdig, Renito Arpilleda, Nancy Malindog,
Henry Sombreo, Rex Naños, Rico Rocero, Monica Rocero, Jonalyn Enriquez, Mabel Policarpio, Josie Malupa, Ma. Cristelle Lanuza,
Jeff Del Rosario, Vlladdy Lito Lati, Even Demata.
Samantala, sa darating na Linggo, sana po ay makapunta tayo ng mas maaga sa TAKBO PHLRC dahil napakaganda
pala tignan ng ating samahan na sabay-sabay na nagdya-jogging. Hindi lang basta jogging ha, sa halip may istayl pa. Sinubukan
po kasi namin na tumakbo na nakahilera gaya ng biyahe natin tuwing tayo ay may outing. Kahapon, tinignan ko ‘yung video
na kuha ni Ka. Karen. Nakapaganda tignan at kitang-kita ng mga tao roon na isa tayong grupo lalo pa’t nakapulang t-shirt
tayong lahat.
Siyempre, mayroon din tayong marshall sa jogging. At dahil hindi nakapag-jogging si Ka. Rico, ako pansamantala ang
nagma-marshall.
Kaso, mukhang ‘di click ang ride sweeper dahil nung tumirik si Ka. Jun Tabag matapos atakehin ng pulikat, hindi
nakapagresponde ang ating sweeper dahil pagod na rin pala! Ha ha ha!
Sana sa darating na Linggo, makiisa na ang lahat ng kasapi sa PHLRC.
Sa TAKBO PHLRC, bukod sa
masaya, nakakabuti rin ito sa ating kalusugan.
Sa ibang dako, pagkatapos ng ating aktibidad sa darating na Linggo, tutulak ang ating grupo sa Muzon,
Bulacan.
Pupunta
tayo sa bagong bahay nina Ka. Ruben at Ka. Rolly.
Maganda ang lakad nating ito lalo na sa mga kasama natin na nangangailangan o naghahanap ng lupa
at bahay.
Kuwentuhan
ulit tayo bukas.