Ang tamang pagbigkas
ng PHLRC ay PIL-RC.
***
KINALKAL ng inyong lingkod ang mundo ng internet kahapon partikular na ang lalawigan ng Bataan kung
saan matatagpuan ang Mount Samat National Shrine.
Marami tayong nakalap
na impormasyon hinggil sa 92 metro na krus na ito na sakop ng Pilar sa nasabing lalawigan.
Ang naturang krus ay pinangalanang “Dambana ng Kagitingan” (Shrine of Valor) kung saan
inalay ito sa mga sundalong Filipino kasama ang mga sundalong Amerikano na matapang na nakipagbakbakan sa Japanese forces
noong World War 2.
Ang Dambana ng Kagitingan ay itinayo
sa pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Ika-14 ng Abril 1966. Matatagpuan ito sa layong 130 kilometro mula
sa Maynila.
Marahil, marami na sa atin ngayon ang
nakakalimot sa kasaysayang ito, kaya muling ipapaalala ng Pinoy Hot Line ang history ng Dambana ng Kagitingan, na tumutukoy
sa Bataan Death March.
Ang Bataan Death March
ay ang sapilitang pagpapalakad sa mahigit kumulang 70,000 bilanggo ng digmaan (prisoners of war o POW) na binubuo ng mga Filipino
at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang
ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas,
Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang sa matunton ang Himpilang O’Donnell. Tumagal ang pagmamartsang
ito ng anim na araw.
Noong Marso 11, 1942, sa utos ni Pangulong
Theodore Roosevelt, Jr., nilisan ni Heneral Douglas MacArthur, kasama ang ilang tropang Amerikano, ang Corregidor patungong
Australia. Sa pag-alis ng heneral, itinalaga si Jonathan Mayhew Wainwright IV bilang kahalili nito sa Corregidor, at si Heneral
Edward P. King naman ang siyang naatasang mamuno sa pakikipagdigmaan sa Bataan. Unti-unting naramdaman ng kawal ng mga Amerikano
ang paghina ng kanilang hukbo laban sa mga atake ng bansang Hapon. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga
rasyong pagkain, gamot at sandata mula Estados Unidos, at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito,
wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon.
Ang
pagbagsak ng Bataan noong Abril 1942 ay naging mabigat na dahilan upang humina ang depensa at tuluyang magapi ang Corregidor
isang buwan ang makalipas. Ang pagsukong ginawa ng mga Amerikano sa Bataan ay siyang naging hudyat sa pagtatapos ng digmaan
dito. Ngunit kasabay ng nasabing pagsuko at pagbandera ng puting watawat ay ang anim na araw na pagpapahirap sa mga sundalong
Filipino at Amerikano sa tinaguriang Death March.
Kinilalang
Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito.
Ang mga sundalong Filipino at Amerikano na lumaban para sa depensa ng Bataan ay itinuring na mga bilanggo ng digmaan, o mas
kilala bilang prisoners of war (POW). Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral Masaharu Homma, ipinaalam niya sa huli na marami
sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala
sa mga sundalo sa Himpilan ng O’Donnel gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit di ito inalintana ni Homma,
bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa
kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.
Umabot
ng anim na araw ang nasabing martsa. Sa kasagsagan ng init ng araw, ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinaglalakad
habang sila’y tinututukan ng baril ng mga Hapon. Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles, Bataan patungong San Fernando,
Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “pinagpapahinga,” sila ay puwersahan ding pinapaupo sa ilalaim ng matinding
sikat ng araw ng walang anumang lilim. Ang sino mang manghingi ng tubig na maiinom ay kaagad na pinapatay.
Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang namatay. Ang mga nanghihina
at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon, o di kaya’y pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inaabuso
at malabis na sinasaktan, habang ang iba naman ay hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng
Hapon.
Gutom at uhaw, ang mga bilanggo ay lalong
naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain
ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo.
Sa gabi, sila ay pinapatulog sa isang tila bodegang kwarto – masikip at madilim, at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas
na nagsisiksikan doon. Sa kasikipan, hirap na silang makagalaw, at halos mag-agawan sa hanging nilalanghap. Ang ilan sa kanila
ay hindi na inabutan ng bukas, habang ang iba’y nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan.
Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila’y ibiyahe sa
mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling
pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O’Donnell. Humigit kumulang sa 10,000 sa mga bilanggo
ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating
sa kanilang piitan.
Sa darating na Nobyembre 38, baka magtungo
ang Pinoy Hot Line Riders Club sa Dambana ng Kagitingan.
Kuwentuhan
ulit tayo bukas.