Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
DALAWANG
tulog na lang ay lalarga na ang ilang kasapi sa PHLRC patungo sa bayan ng Sogod, Southern Leyte.
Ang Sogod Invasion na ito ay binansagang “Sugod sa Sogod” kung saan target ng mga kapatid
sa PHLRC na marating ang bayan ng Sogod sa naturang lalawigan sa pamumuno ni Ka. Renito Arpilleda.
Iwawagayway nila ang bandila ng PHLRC simbolo na narating nila ang naturang lugar.
Bagama’t dalawang tulog na lang... posibleng ‘di makatulog ng maayos
ang mga kapatid na bibiyahe sa naturang lugar dahil sa excitement! He he he!
Ang Sogod, So. Leyte ay may layong 1,054 kilometro mula Maynila. Kakayanin kaya ito ng ating mga kapatid sa PHLRC?
Pero teka, ano bang mayroon sa Sogod?
Paano nabuo ang plano na ito?
Ang Sogod Invasion ay pamumunuan
sana ni Ka. Marlou Dahunog, nguni’t nasangla ang kanyang motorsiklo matapos makaranas ng matinding pagsubok ang kanyang
pamilya. Hindi na siya makakasama sa biyahe na ito. Ang Sogod ay bayan kung saan nakatira si Ka. Marlou kaya’t malakas
ang loob nito noon na maghamon sa ilang kapatid na magpunta sa kanilang bayan nang minsang mapagawi ang grupo sa bahay ni
Ka. Dioscorro Policarpio sa Makati City noong Abril 2010.
Magpapakatay
pa nga raw si Ka. Marlou ng baboy kung matuloy ang biyahe. Ngunit, ngayong ‘di kasama si Ka. Marlou, ano ang kanilang
kakatayin? He he he!
Dahil dito, nagpasya ang inyong lingkod
na ipasa kay Ka. Renito Arpilleda, isa sa mga board of trustee ng samahan, ang longest trip na ito ng PHLRC.
Alam n’yo po, sa mga katulad kasi naming mga riders club, karangalan po ng grupo namin na
marating ang malalayong lugar gaya nitong Sogod. Iyan po ang ibig sabihin ng riders club. Kapag sumapi ka sa ganitong samahan,
asahan mong malalayong lugar ang mararating ninyo gamit ang inyong motorsiklo.
Samantala, ayon kay Ka. Renito, walo ang kumpirmadong sasama sa biyahe, at ito ay sina (with plate number) Renito
Arpilleda (7971 po) Glen Calalang (2133 NF), Alejandro Parilla JR (2870 PU), Freddie Bonto (5156 ge), MICHAEL AGHON
(PI 2036). Isinusulat natin ang kolum na ito kahapon, ‘di pa nagte-text ‘yung iba.
Sa ibang dako, para sa inyong karagdagang kaalaman, ang kasalukuyang mayor sa bayan ng Sogod ay
si Sheffered Lino S. Tan. Ang salitang ginagamit ng mga tao rito ay Cebuano.
Ang Sogod ay 2nd class na munisipalidad sa lalawigan ng Southern Leyte.
Dahil sa dagat, ang Sogod ay sentro ng kalakalan, komersyo at industrya.
Kung galing kayo ng Tacloban City, madadaan n’yo ang Agas-Agas Bridge na matatagpuan sa Brgy. Kahupian, Sogod.
Ito ang pinakamataas na tulay na ginawa sa bansa. Pinakabagong tourist attaction ito ngayon dito sa Pilipinas! 90 metro ang
taas nito.
Ang mensahe ko sa inyo mga kapatid, drive safely, God bless
and enjoy the trip! Kayang-kaya n’yo iyan!
Merry X’mas!