Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
Bago ang lahat, nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga naulila ni Sir Arnold
Pajaron, na pumanaw matapos maaksidente ang sinakyan niyang motorsiklo, ang ating mga kaibigang riders club na Marilao Riders
Club (MRC), Bullet Riders Club (BRC), Mariveles United Riders Club (MURC Federation) na nakabase sa Mariveles, Bataan, ang
kapatid natin sa PHLRC na si Ka. Dan Alfred Madriaga, Rey Nillama, at Jimmy Saberon.
Samantala, mamayang gabi ay tutulak ang inyong lingkod sa burol ni Sir Arnold sa Cainta, Rizal.
Sa pagkakataong ito, inaanyayahan ko ang mga kapatid ko sa PHLRC na sumama mamayang gabi pagkatapos
ng emergency meeting sa bahay ni Ka. Rico Rocero bilang pakikiramay sa kanyang mga naulila.
***
Talaga nga namang malaki ang naitutulong ng pagsali sa riders
club tulad ng PHLRC. Bukod sa magbago ang pananaw mo sa buhay, magkakaroon ka pa ng maraming kaibigan na sa pakiramdam mo’y
hindi ka nag-iisa lalo na kung ikaw ay napasabak sa malaking pagsubok. Asahan mong marami kang kaibigan na handang tutulong
sa iyo para ikaw ay itayo mula sa pagkakalugmok.
Kahit sa tuwing may biyahe
sa malalayong lugar, kasama ang iyong ka-grupo na riders, kapag nakasalubong n’yo ang ibang riders club, siya ay kakaway
sa inyo bilang simbolo ng pagkakaibigan.
Kung ikaw ay maaaksidente
sa daan, asahan mong ang unang tutulong sa iyo ang ay ating mga kababayan nagmamaneho ng motorsiklo. Totoo po iyan.
***
PHLRC UPDATE
X’MAS PARTY LOCATION - Muling dinalaw
ni Even Demata ang Kingsville Heights Subdivision na matatagpuan sa Inarawan, Antipolo City, na nauna nang na-survey ng PHLRC
noong nakaraang Linggo. Nakausap niya ang caretaker na si Mang Domeng. Narito ang mga detalye sa club house.
P100 - Matatanda
P100 - 6 yr. old - 10 yr. old
FREE - 5 yr.
old - below
Note:
Ang mga batang may edad 6 hanggang 10 ay may discount. Sa 10 bata, P80 na lang ang babayaran ng bawat bata.
Oras: 3:00am to 10:00pm only. Bawal
magdamag.
More
details: Swimming pool, basketball court, club house with comfort room for male and female, and 1 room for female.
Very affordable na! Mas mahaba
ang oras ng party, mas malapit, napakalawak ng puwesto, masarap ang simoy ng hangin, mas mura kaysa sa iba, at solo pa ito
ng grupo! Walang puwedeng humalo!
Remarks: Pag-uusapan pa ito sa emergency meeting sa Linggo, Disyembre 12.
***
TINATAWAGAN ng pansin ang mga kapatid sa PHLRC na sina Ka. Marlou
Dahunog, Ka. Dan Alfred Madriaga, Ka. Imelda Taganas at Ka. Freddie Bonto na makipag-ugnayan kay Ka. Nancy Malindog at kay
Ka. Karen Rocero bago mag-emergency meeting sa Linggo, Disyembre 12, 2010.