Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-23 ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Nakatanggap
tayo ng isang text mula sa reader ng Pinoy Hot Line kung saan inirereklamo niya ang umano’y hindi patas na pagmamaltrato
ng Las Piñas government sa mga casual teachers sa naturang lungsod.
Ayon sa texter o complainant,
mula noong Mayo hanggang ngayon ay hindi pa rin umano sila sumasahod. Nagagalit na nga raw ang kanilang mga pinag-uutangan
dahil hindi pa sila nakakabayad.
Kung minsan pa, aniya, ay hirap siyang makapasok sapagka’t
halos wala na silang pamasahe, ngunit’ at dahil mahal nila ang kanilang trabaho, kahit nagloloko na ang kanilang suweldo,
patuloy pa rin silang naglilingkod sa mga kabataang nag-aaral sa mga paaralan sa Las Piñas.
Attention
Las Piñas City Mayor Vergel A. Aguilar, pakiaksyunan ang reklamong ito sa lalong madaling panahon!
Batid
ng Pinoy Hot Line na hindi n’yo palalampasin ang ganitong uring problema.
Samantala, may
nagte-text sa atin na super kulit na kulit! Pasaway grabe!
Pakisampulan n’yo nga ang number na
ito, 09081843891. He he he!
Balitang panahon, isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng Japan Meteorogical
Agency sa bahagi ng Bicol region.
Huling namataan ang naturang LPA sa layong 740 kilometro sa
silangan-hilagang silangan ng Virac sa Catanduanes.
Nilinaw naman ng PAGASA na wala silang nakitang
paglakas sa weather system na papasok sa buwang ito sa loob ng Philippine area of responsibility.
Sa
lahat ng mga kababayan nating nagmamaneho ng motorsiklo, ugaliing magdala ng raincoat o kapote sapagka’t magkakaroon
pa rin ng kalat-kalat na pagkulog at pag-ulan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila maging sa bahagi ng Luzon.
Sa ibang dako, ilang araw na lang ay manunumpa na si Noynoy bilang bagong Presidente ng Pilipinas at si Binay
bilang Bise-Presidente naman.
Marami ang umaasa na sana’y magkakaroon na ng pagbabago at
pag-unlad sa ating bansa sa ilalim ng administrasyon ni Noynoy Aquino.
Bagama’t tahasang
sinabi ni Noynoy na susupilin niya ang kurapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon, marami naman ang nagbigay ng kanilang
reaksyon na malabong mangyari. Oo, hindi na siya mangungurakot pero paano naman daw ang kanyang mga alipores? Toink!
Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
Sa Pinoy Hot Line Riders Club,
humahataw na ang ginawa nating video na may kaugnayan sa 3rd Outing ng samahan sa Llanera, Nueva Ecija kamakailan kung saan
inupload na natin ito sa Youtube.
Kahapon, pumalo na sa 600 ang nanonood sa nasabing video ilang
araw matapos natin itong i-upload sa naturang website.
Bakit marami ang nanonood?
Siningit kasi natin ang nasabing video sa account ni Even Demata Channel 2 (www.youtube.com/evendematach02).
Si Even Demata ay kilalang numero unong kritiko ni Willie Revillame sa internet.
Bago
natin makalimutan, paalala... may meeting po ang PHLCO/RC sa Linggo.
Adios, amigos!