Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-8 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 5 days before 3rd outing
ng PHLCO/RC! Yeheeeey!
Balita kahapon, ayon sa PAG-ASA, tuluyan nang lumayo sa Pilipinas ang isang
low pressure area (LPA) na nagdulot ng pag-ulan sa bahagi ng Luzon partikular na sa Maynila nitong nakaraang araw.
Kaya
pala sobrang init kahapon, wala na pala ang LPA... pero mayroon pa ring NPA! Ngeek!
Sana, hindi
uulan sa Sabado ng gabi.
Matagumpay na naidaos ang isinagawang briefing ng PHLRC sa Quezon City
Circle.
Bago tayo nakarating sa erya, nag-usap-usap na ang ating mga kasama sa samahan para sa
ligtas na biyahe kaugnay ng nalalapit na 3rd outing ng PHLRC sa darating na Linggo.
Idineklara
natin sa ating mga kasama na simula kahapon (Lunes) ay ituring ng mga kasapi sa PHLRC ang week na ito bilang “Linggo
ng Paghahanda” kung saan dapat pagtuunan ng pansin ng ating mga kasama ang pag-aalaga ng kanilang mga motorsiklo.
Kung gaano natin kamahal ang ating sarili, dapat ganu’n din ang pagmamahal natin sa ating motorsiklo,
sapagka’t ito ang magdadala sa atin kahit saan man ang ating destinasyon.
Ipiniliwanag din
natin sa ating mga kasama ang ilang mahahalagang safety measures sa pagbibiyahe nang sabay-sabay para mapanatiling maganda
at maayos ang biyahe ng PHLRC patungong N.E.
Sa biyahe nating ito, ang ating mga marshalls ay
sina Ka. Rico Rocero, Ka. Reynaldo Dispo, at Ka. Louie Salva.
Ang mga ride sweepers naman ay sina
Ka. Renito Arpilleda, Ka. Ronnie Terrado, at Ka. Ernie Padigdig.
Siyempre pa, napakahalaga para
sa PHLRC ang okasyong ito kung kaya’t nakahanda na rin ang ating masipag na camerawoman na si Ka. Karen Rocero para
maidokumento ang outing na ito.
Wala na naman tayong espasyo, kuwentuhan na lang ulit tayo tomorrow.
I love you, PHLRC!
Adios, Amigos!