Buenas dias amigos!
Ika-12 ng Mayo ngayon, Miyerkules taong 2010.
Nag-text sa atin kamakalawa ang cp# na ito, 09304831467, hiniling niya
sa atin na palitan na natin ang ating pangbungad na mensahe sa ating kolum na “buenas dias amigos” kasi raw luma
na at nagmumukhang oldies ang PHLRC. Toink!
Sige, papalitan na natin ng ‘ala na bigas amigos”! Ha ha ha ha!
Samantala, naka-text natin ang ating mga kasama sa Pinoy Hot Line Riders
Club o PHLRC nitong Lunes, araw na eleksyon.
Karamihan sa kanila ay nagrereklamo sa haba ng pila sa presinto para bumoto. Mahaba na nga raw ang pila, mainit na
at gutom pa! Ha ha ha!
Bagama’t
nagkaroon ng kalituhan at kaguluhan ang kauna-unahang automated election sa bansa, tagumpay naman ang halalan at sa loob lang
ng 24 oras marami nang bagong mayor ang naiproklama! Galing!
Kumbaga, sa umpisa lang ‘yan mahirap, he he he!
Sa wakas, nanalo na rin ang ating Pambansang Kamao sa pagka-kongresista sa Sarangani Province.
Ano kaya ang mensahe ni Floyd Mayweather kay Manny?
He he he!
Sino’ng mag-aakala na
biglang umarangkada sa vice presidential race itong si Binay at tinalo pa niya si Loren Legarda na dalawang beses nang natalo
sa pagka-bise presidente! He he he!
Natatandaan
ko pa. Si Binay ay binansagan ng isang reporter mula sa himpilang radyo bilang “Barack Obama ng Pilipinas” nang
manalo si Obama sa pagka-Presidente sa Amerika. Nagkatotoo nga!
Ang pinakakawawa sa lahat ay itong si Manny Villar na bumuhos ng tatlong bilyong pisong money sa
kanyang pangangampanya sa pag-asang manalo bilang presidente ng Pilipinas!
Marami ang sumira sa kanyang kandidatura partikular na itong TV host na
si Willie Revillame na pakapalan na lang ng mukha kung babalik pa siya sa Wowowee matapos siyang mag-indefinite leave sa nasabing
programa makaraan niyang banatan ang isang mamahayag na kapwa niya Kapamilya. Ha ha ha!
Isa pa sa mga sumira kay Villar ay ang paggamit niya sa mga paslit sa kanyang
TV ads, pagpakilala sa kanyang sarili na siya ay galing sa hirap at C-5 road extension scandal!
Adios amigos!