Kumusta
sa lahat ng Pinoy, Luzon, Visayas, at Mindanao!
Buenas dias, amigos!
Ika-22
ng Abril ngayon taon 2010.
Paalala sa lahat ng ating mga kasama sa Pinoy Hot Line Civic Organization
at Pinoy Hot Line Riders Club, sa darating na Linggo (Abril 25) po ang ating monthly meeting sa Quezon City Memorial Circle
(sa Bicycle Station) sa Quezon City sa oras na alas 3:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.
Marami
tayong paksang tatalakayin sa Linggo at isa na ang paglulunsad ng isang proyekto sa buwan na Mayo ng taong kasalukuyan.
At sa mga kasapi ng PHLRC, pakidala na rin ng inyong cedula dahil ipapasok na natin sa SEC ang ating samahan.
Good luck!
Kahapon, nakuha na natin sa pagawaan ang PHLRC uniform nina Rolly Malupa, Rico Rocero,
Ronald Mendez, Nelson Barnedo, Lawrence Enriquez, Renito Arpilleda, Arnel Novelas, Edwin Rosaldo, Lawrence Enriquez at Flor
Dador.
At sa araw na ito naman ay babalikan naman natin ang tatlo pang PHLRC uniform nina Gerry Lanuza,
Dioscoro Policarpio, at Imelda Paycana.
Ang nasabing mga uniporme at makukuha n’yo na sa
Linggo.
Gaya ng nabanggit ko kahapon, pagkatapos ng ating meeting, tutulak ang ating grupo sa
bahay ng inyong lingkod sa Antipolo.
Nakahanda na ang kutsilyo at itak para sa inyo! Ha ha ha!
Pagsapit ng gabi, may palibre pa akong aswang! Nya ha ha ha! Dyok lang ‘yan, mga kasama.
‘Yung mga gustong uminom, bawal o kinabukasan na umuwi para iwas aksidente. Medyo maluwag naman ‘yung
space ng bahay natin kaya’t puwede kayong matulog doon. Magdala lang ng banig at kumot at saka kaldero’t plato
para doon na kayo tumira! Ha ha ha ha! Dyoks onli, he he he.
Isa pang mahalagang paalala, kailangang
alas 3:00 ng hapon sa Linggo ay nandoon na lahat ng kasapi sa PHLCO/RC sa meeting place. Alisin na natin ang ugaling Pilipino
Time. Dapat American Time. Siguro, mga 4:00pm ako darating! Ha ha ha! Dyok lang po. Mga 2:30pm nandu’n ako sa erya.
Samantala, sa lahat naman ng nag-inquire sa atin sa linggong ito para sumali sa PHLRC pati na rin ‘yung
‘di nakapunta noong Linggo, maaari na po kayong pumunta sa Linggo. Dalhin n’yo lang ang xerox copy ng inyong driver’s
license at rehistro ng motor. Kung wala kayong picture, okey lang iyan. ‘Wag na kayong mahiya sa amin... lahat kami
ay mababait at masayahin kaya’t asahan n’yo ang mainit naming pagtanggap sa inyo sa Linggo. Kita-kits na lang
at welcome sa PHLRC!
Am’bilis maubos ng ating espasyo. Bukas ulit, mga pare ko. Ingat sa pagmamaneho.
‘Wag nang lingunin ang seksing tsiks! He he he!
Adios amigos!