MAGANDANG araw sa lahat ng Pinoy, Luzon, Visayas, at Mindanao!
Ika-20 ng Abril ngayon taon 2010.
Sa araw na Sabado ay Mayo 1 na o Labor Day.
Nabahiran ng kasiyahan ang matagumpay ng meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club o PHLRC na ginanap sa Quezon
City Memorial Circle sa Quezon City kahapon!
Sulit na sulit kasi ang inihandang kilawin ni PHLRC Pres. Freddie Modesto with softdrinks! Sarap! He he he!
Welcome nga pala sa mga bagong miyembro ng PHLRC na sina Lawrence Enriquez, Anthony Siaron, at Luisito "Louie"
Salva.
Si Ka. Louie po ay miyembro ng Manila Bikers Club (MBC), sinubukan niyang sumapi sa PHLRC para malaman kung
maganda ang patakaran sa ating samahan.
Siya nga pala, si Ka. Rico Rocero at Ronnie Terrado naman ay mga miyembro ng PARACS na nakabase sa Cavite.
Sinubukan din nilang magpamiyembro sa PHLRC para masubukan nila kung maganda ba ang patakaran sa samahan nating ito.
Mag-iisang buwan nang kasa-kasama natin sina Ka. Rico at Ka. Ronnie sa PHLRC at aktibo rin sila sa mga meeting
natin kada-linggo. Higit sa lahat, mayroon na rin silang uniporme ng PHLRC. Klap, klap, klap!
May ilan tayong kasama na minsan nang naging kasapi sa ibang riders club, katulad ito nina Ka. Renito Arpilleda
at Ka. Nelson Barnedo. Umalis sila sa inaniban nilang riders club dahil sa anila’y palpak na mga patakaran.
Ako, mismo sa sarili ko, mula sa mga opisyales hanggang sa mga miyembro ng PHLRC, sinisikap namin dito na
lalo pang mapalawig ang samahan na ito na nag-umpisa lang sa ilang miyembro, nguni’t hindi pa man umabot ang isang buwan
mula nang tutukan natin ito, patuloy na dumarami ang mga miyembro ng ating grupo.
Samantala, wala sina Ka. Gerry Lanuza at Dioscoro Policarpio sa ating miting kamakalawa. Makipag-ugnayan
po kayo kay Ka. Mhae Paycana para magkaroon na rin kayo ng PHLRC jacket sa Linggo.
Sa darating na Linggo (Abril 25), magkakaroon po ng mothly meeting ang Pinoy Hot Line Civic Organization
at Pinoy Hot Line Riders Club sa Quezon City Memorial Circle (sa may Bicycle Station) sa oras na alas 3:00 hanggang alas 5:00
ng hapon.
Pagkatapos ng meeting, diretso agad tayo sa bahay namin sa Cogeo, sa Antipolo City.
Sa Linggo rin pala, ipa-finalize na natin ang outing natin sa Calatagan, Batangas sa Mayo 1. Opo, hindi na
sa Pagsanjan Falls ang outing natin at sa halip ay sa Calatagan na.
Attendance muna tayo sa meeting natin nitong Linggo.
1. Imelda Paycana
2. Eustaquio Tabag
3. Even Demata
4. Dhionel Pilan
5. Flor Mamza
6. Ronnie Terrado
7. Rico Rocero
8. Monica Rocero
9. Ronald Mendez
10. Anthony Siaron
11. Dan Alfred Madriaga
12. Joseph Leuterio
13. Ernesto Padigdig
14. Arnel Novelas
15. Bong Andrade
16. Claireyenne Leuterio
17. Karen Rocero
18. Rowena Mendez
19. Renito Arpilleda
20. Louisito Salva
21. Jaime Andrade
22. Alberto Pasilan
23. Nelson Barnedo
24. Lawrence Enriquez
25. Freddie Modesto
26. Melet Modesto
Marami pa tayong pag-uusapam dito kaugnay ng natalakay natin sa meeting nitong Linggo.
Adios amigos!