Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
8 days na lang at 5th Outing na ng Pinoy Hot Line Civic
Organization & Riders Club (PHLCO/RC) na gaganapin sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. Yahooo!!!
***
Paalala sa lahat sa ating mga kapatid
sa PHLCO/RC, bukas na po ang ating Gen. Monthly Meeting.
Napakaraming
paksa ang ating pag-uusapan, maliban pa sa mga good news, at ang pinal na paghahanda ng ating grupo kaugnay ng nalalapit nating
5th Outing sa Matabungkay Beach Resort sa bayan ng Lian.
Bago magsimula
ang ating Gen. Monthly Meeting, tuloy pa rin sa umaga ang weekly activity ng samahan, ang TAKBO PHLRC, na magsisimula sa oras
na alas-5:00 ng madaling araw.
Maaari kayong magdala ng mga gamit sa
sports gaya ng bola para sa volleyball, badminton at iba pa... ito ay para magamit kapag tapos na tayong mag-jogging.
Sa TAKBO PHLRC, isuot pa rin natin ang kulay pula na damit, pero bago magsimula ang meeting, kailangan
na nating isuot ang ating PHLRC uniform. Sa mga riders lang ito, ha. Got it?
Sa
mga kapatid naman nating taga-PHLCO, magsuot po kayo ng kulay pula na damit.
At
dahil umaga, para iwas abala, magdala po tayo ng mineral water at biskwet, etc.
Pagkatapos ng ating Gen. Monthly Meeting, tutulak ang ating grupo sa bahay ni Ka. Dioscorro Policarpio para ituloy
ang selebrasyon ng kanyang kaarawan nitong Set. 23.
Ang ilan sa
mga inaaasahang magsasalita sa Gen. Monthly Meeting ay sina PHLRC Pres. Freddie Modesto, PHLRC Spokesperson Rico Rocero, PHLRC
PRO Ronnie Terrado, PHLRC Assistant Treasurer Karen Rocero, PHLRC Auditor Ernesto Padigdig, PHLCO Secretary Maricel Lajom,
PHLRC Assitant Secretary Lawrence Enriquez, PHLRC 5th Board of Trustee Renito Arpilleda, PHLRC Internal Sec. Nancy Malindog,
PHLRC Seargent At Arms Alejandro Parilla, PHLRC 4th Board of Trustee Rolly Malupa, PHLCO Board
of Trustee Reynaldo Guinto at maraming-marami pang iba.
Kita-kits tayo
sa Linggo, mga kapatid!