Buenas dias amigos!
Bungad ng ating kumpareng si Lord Peter nang dumating sa tanggapan ng TORO kahapon, "Walang kuwentang laban
ni Pacman!"
Paano raw kasi, bugbog ang inabot daw ni Pacquiao sa kalaban nitong si Clottey.
Kaya rin pala, parang wala akong ganang manood sa laban ni Pacquiao kahapon! He he he!
At siyempre, buong Pilipino sa buong mundo ang nagdiwang sa tagumpay ng ating Pambansang Kamao maliban na
lamang sa mga kababayan nating pumusta kay Joshua Clottey! He he he!
Ayon kay Boss Arnod Pajaron, deklarado raw ang kanyang pagkatalo kahapon dahil natalo ang kanyang manok na
si Clottey, he he he!
Lahat kasi ng laban ni Pacman, pumapanig si Boss Arnold sa kalaban para lang may kapustahan! Ang problema,
laging panalo si Pacquiao! Ha ha ha!
Samantala, usap-usapan din ngayon ang milyones na kinita ni Pacquiao sa laban nito kay Clottey.
Talagang bilyonaryo na ang ating Pambansang Kamao.
At siyempre, tuwang-tuwa ngayon ang dalawang taong malalapit sa kanya– si Jinky Pacquiao at si Krista
Ranillo! Nya ha ha ha!
Sa ibang dako, tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng Pinoy Hot Line Riders Club at Pinoy Hot Line Media and
Civic Organization sa mga kababayan nating gustong sumapi sa aming samahan.
Sa may mga motorsiklo na gustong sumapi sa PHLRC, mag-text lang kayo sa 09199813390 at 09395109483.
Para naman doon sa mga kaibigan nating gustong magpamiyembro sa PHLMCO, mag-text lang sa 09393629811 at 09391139828.
Speaking of PHLRC, puspusan ang aming isinasagawang pagpupulong, ito ay may kaugnayan sa nalalapit na outing
ng PHLCO at PHLRC sa darating na Abril 1, 2010.
Karamihan kasi sa mga miyembro ng nasabing samahan ay hindi pa naka-experience o hindi pa nakasali sa ibang
riders club. Ibig sabihin, tuturuan o ise-seminar natin ang ating mga kasama sa PHLRC hinggil sa tamang gawin kapag nasa operasyon
na kami.
Isinusulat natin ang kolum na ito, may gagawing pagpupulong ang PHLRC at PHLMCO sa Quezon City Memorial Circle.
At pagka-out natin dito sa tanggapan ng TORO, lilipad na ang inyong lingkod gamit ang ating motorsiklo patungo sa meeting
place! Broooooooommmm!
Sa darating na Marso 21, 2010, muling magpupulong ang mga miyembro ng PHLRC sa Quezon City Circle.
Tatalakayin namin sa araw na iyon ang tamang pagmamaneho kapag bumibiyahe na ang mga motorsiklo.
Ang iniiwasan po kasi namin dito ay ang aksidente kapag may isang kasama nating rider na basta-basta na lamang
pumaharurot ang ng kanyang motorsiklo.
Bukas, pag-uusapan natin dito sa ating kolum kung ano man ang magiging resulta ng meeting ng samamahn namin
ngayon.
Bukas ulit.
Adios, amigos!