Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
NAG-TEXT sa Pinoy Hot Line kahapon ang driver ni Sir Arnold
Pajaron, na sumakabilang buhay matapos maaksidente ang sinakyan niyang motorsiklo nitong Biyernes ng gabi.
Sa takbo ng text ni Dick Fernandez na siyang driver ni Sir Arnold, damang-dama sa kanya ang hinagpis
kaugnay ng aksidente.
Nilinaw ni Dick na hindi siya nagkulang ng paalala
kay Sir Arnold bago nangyari ang aksidente.
Bago raw sila bumiyahe,
binigyan nila ni Ardie Avilles si Sir Arnold Pajaron ng helmet para proteksyon sakaling sila ay maaksidente pero ayaw raw
ni Sir Arnold... at iyon na nga ang nangyari.
Nguni’t base sa
kuwento ni Pareng Alvin Dimasaca, sinabi raw sa kanya ni Ardie na bago naaksidente sila Sir Arnold ay nararamdaman umano nila
na parang nagpaparamdam na si Sir Arnold nang gabing iyon.
Sa paningin
nila Ardie, dalawang Arnold Pajaron ang nakasakay sa naturang motorsiklo nang sila ay bumiyahe... at makalipas pa ang ilang
sandali, naaksidente na sina Sir Arnold at Dick.
***
Sa ibang dako, happy-happy birthday to Belardeno Alarcon Jr, today, na nagtatrabaho diyan sa Zest-o
Corporation sa Canlubang, Laguna. Siya ay kasalukuyang na-assign sa Maintenance Department. Pagbati iyan mula sa kasama natin
sa PHLRC na si Ka. Glenn Villanueva, coordinator ng PHLRC diyan sa Laguna.
***
Atensyon naman sa mga Board of Trustee at lahat ng opisyales
ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), maliban sa emergency meeting sa Linggo, magkakaroon muna tayong emergency meeting sa
darating na Biyernes, Disyembre 10 sa bahay ni Ka. Rico Rocero sa Kundiman St., Brgy. Paltok, Quezon City sa oras na alas-8:00
ng gabi. Kita-kits.
***
PHLRC
UPDATES
Sa buwang ito ng Disyembre, wala munang babayarang Monthly Dues (MD)
ang lahat ng kasapi sa PHLRC.
***
Simula sa araw na ito, bago magsisimula ang anumang meeting ng PHLRC, lahat ng kasapi ay maaari nang magbigay ng kani-kanilang
opinyon, suhestiyon, kuro-kuro at reaksyon. Ang sistema, isulat ng kasapi sa malinis na papel kung may nais man siyang iparating
sa grupo kalakip ang kanyang pangalan at lagda. Ihulog ito sa “Suggestion Box”. Ikukubli namin ang pagkakakilanlan
ng sender/writer. Layon ng hakbang na ito ay para maiwasan ang anumang haka-haka at magkakaroon na rin ng kasagutan kung ano
man ang nais malaman ng kasapi sa samahan. Susi rin ito para umunlad ang grupo.
***
Ibabalik na ang perang impok o mas kilala sa tawag na
“Impok-Pilit / Impok-Kusa” sa mga kasapi sa PHLRC na sumali rito sa darating na Linggo, Disyembre 12, kasabay
ng emergency meeting ng lahat ng kasapi sa samahan.
Para sa iba pang latest
updates, bumisita sa website ng PHLRC: www.even.tripod.com