Kumusta sa lahat ng Pinoy,
Luzon, Visayas, at Mindanao!
Buenas
dias, amigos!
Ika-21 ng Abril ngayon
taon 2010.
Ayon sa kasabihan,
kabalikat na sa buhay ng tao ang lungkot. Kung may saya mayroon namang lungkot.
Ganito rin ang nangyayari sa PHLRC o Pinoy Hot Line Riders Club.
Kahapon, isinulat natin dito ang masayang samahan ng PHLRC tuwing may meeting
nguni’t sa araw na ito, bad news naman ang ating isusulat... ito’y matapos makarnap ang motorsiklo ni Ka. Dan
Alfred Madriaga kamakalawa ng gabi.
Bandang
alas-8:00 ng gabi nang makatanggap tayo ng text buhat kay Ka. Dan Alfred habang binabagtas natin ang isang kalye sa may Quiapo,
Manila. Nagulat tayo sa naturang text. Akala ko’y biro lang... pero sa pagkakilala ko kay Ka. Dan Alfred, seryosong
tao ito ay hindi gaanong nagbibiro.
Ayon
sa kanyang text, alas-5:00 ng hapon nang matuklasan niya na wala na ang kanyang limang buwan pa lang na Yamaha Mio-Soul model
sa pinaradahan nito sa isang higanteng TV network sa Quezon City.
Dahil dito, mabilis nating ipinarating sa ating mga kasamahan sa PHLRC ang insidenteng ito, at lahat
sila ay nabigla sa natanggap nilang balita.
Bago ko personal na dinalaw si Ka. Dan Alfred sa Quezon City Police Station 10, dinaanan muna natin sina Ka. Ernesto
Padigdig at Ka. Marlou Dahunog sa Araneta Avenue sa Quezon City, at naabutan natin sila doon na nag-uusap sa labas ng kanilang
pinagtatrabahuan tungkol sa nangyari sa ating kasama.
Ang inyong lingkod ang unang nakarating sa himpilan ng pulisya. Naabutan natin si Ka. Dan Alfred, na bagama’t
wala sa hitsura niya ang lungkot na nadarama, kitang-kita naman natin ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang kalooban.
Ilang sandali pa ay nagdatingan din sa Quezon City
Police Station 10 sina Ka. Ruben Cabrillas, Ka. Rico Rocero, at Ka. Ronnie Terrado na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Lahat sila ay nagulat sa balita.
Haaay...
ang buhay nga naman!
Siguro, tama
‘yung sinabi sa atin ng isang kaibigan nating mekaniko. Ang motor daw natin ay parang namimili ng magiging amo nila.
Kapag daw hindi ka magustuhan ng iyong motor, maaaring
ito ang magdadala sa iyo sa kapahamakan.
Ang maipapayo natin kay Ka. Dan Alfred, ‘wag panghinaan ng loob ang nangyari sa iyo. Ganyan talaga ang buhay.
May mga pagsubok na hindi natin inaasahang darating. Kuha ka na lang ulit ng bagong motor.
Samantala, naipagawa na natin ang sampu (10) sa 20 miyembro ng PHLRC na
nagpagawa ng uniporme. Ito ay sina Glenn Villanueva, Dan Alfred Madriaga, Dhionel Pilan, Eustaquio Tabag, Ernesto Padigdig,
Anthony Asiaron, Ruben Cabrillas, Joseph Leuterio, Freddie Modesto, at Marlou Dahunog.
Ngayong araw, kukunin naman natin ang sampu pang uniporme nina Rolly Malupa,
Rico Rocero, Ronald Mendez, Nelson Barnedo, Lawrence Enriquez, Renito Arpilleda, Arnel Novelas, Edwin Rosaldo, Lawrence Enriquez
at Flor Dador.
Adios amigos!