Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
PAALALA: Sa lahat ng
PHLRC riders. Tayo ay magkakaroon ng survey sa mga resort sa Antipolo City sa Linggo, Dec. 5, pagkatapos ng ating aktibidad
na TAKBO PHLRC sa Quezon City Circle. Ito ay bilang paghahanda para sa ating Christmas Party sa darating na Disyembre 19.
Ang survey na ito ay pangungunahan ni Ka. Renito Arpilleda. Kita-kits!
***
Kinumpirma kahapon ni Philippine Charity Sweepstakes
Office (PCSO) operations manager Arnel Casas na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring komokolekta sa record breaking jackpot
prize na P741 million na napanalunan sa 6/55 Grand Lotto.
Ayon
kay Casas, batay sa report ng kanilang internal audit officer, wala pang nagtutungo sa kanilang opisina para kumuha o mag-inquire
ukol sa nasabing gantimpala.
“Wala pa pong
nag-claim ng P741 million as per our internal audit. Wala pa rin pong ibang development at wala pa ring communication sa amin
‘yong winner,” pahayag pa ni Casas.
Kung mabibigo umanong
kunin ng nanalo ang premyo sa loob ng isang taon, mawawalan na ito ng karapatan sa naturang halaga at mapupunta na ang premyo
sa pondo para sa charity.
Sa ngayon, patuloy umano ang pagkuha
ng background ukol sa maswerteng nanalo ng pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng Philippine lottery.
Una rito, sinabi rin ni Casas na sa loob ng isa o dalawang oras ay maaari
nang makuha ang premyo basta’t hawak ng nanalo ang kaniyang valid ticket.
“In a matter of one or two hours lang ay pwede na itong makuha. Basta valid po ‘yong ticket na ipepresenta
niya. Guaranteed po na makukuha ito within the day at wala na pong tanong-tanong basta valid po ‘yong ticket,”
wika ni Casas.