Buenas dias amigos!
Ayon sa PAGASA kahapon, medyo bumaba ang temperatura ng init kahapon. Sa madaling sabi, mainit pa rin ang
panahon natin ngayon! He he he!
Umaasa pa rin ang Top Rank na matuloy ang laban nila ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa mga susunod
pang mga araw.
Balde-baldeng pera kasi ang makukulimbat nila sa bakbakan ng dalawa.
Krisis sa kuryente ngayon sa Mindanao.
Tig-wawalong oras na lang kasi kada-araw ang operasyon ng kuryente roon.
Ginawa ito ng DOE para mapaghandaan umano ang 2010 elections.
Ang tanong ng taumbayan, pagkatapos ba ng eleksyon wala nang brownout sa Mindanao? Duda kasi sila na baka
drawing lang ito ni Energy Sec. Jose Ibazeta.
Niyanig pala ng 7.7 magnitude na lindol ang Indonesia kahapon.
Wala namang naiulat na nasawi sa nasabing lindol lalo na sa mga kababayan natin na naroon sa Sumatra, Indonesia
na siyang sentro ng nasabing lindol.
Dahil sa kabi-kabilang lindol sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, pinawi naman ng Malakanyang ang publiko
sa posibilidad na magkaroon din ng malakas na lindol ang bansa natin.
Ang Pilipinas ay nasa loob ng tinatawag na Pacific Ring of Fire kaya’t malaki ang posibilidad na magkaroon
ng malakas na lindol sa bansa sa taong ito!
Panawagan ng Malakanyang, ‘wag mag-panic. Iyon lang.
Samantala, talagang maraming manlolokong Pinoy.
Bakit kenyo nasabi natin ito?
Kahapon, dumulog sa tanggapan ng pulisya ang isang American national para magharap ng reklamo laban sa isang
Pinay na naka-chatmate niya sa Bacolod City.
Ayon sa reklamo ng biktimang si Edward Wilson, 46-anyos, ng Lowa, USA, nagpadala siya ng perang US $3,000
para maipagawa nila ng bahay.
Pagdating umano niya sa Bacolod, may asawa’t anak na pala ang babae. Ha ha ha ha!
Ang tawag natin diyan ay katangahan!
Bakit ka pumapatol sa chat-chat lang.
Sa mga mahilig sa text diyan, konting ingat na lang.
Adios amigos!