Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-17 ng Hulyo ngayon,
taong 2010.
First, belated happy 14th Wedding Anniversary kina Ka. Ronald at Rowena Mendez kahapon. Sana lalo pang maging matibay
at tumagal ang inyong pagsasama. Mensahe po iyan mula sa PHLCO at PHLRC. Hindi po natin magawang ilagay ang kanilang mga picture
dito sa ating kolum dahil brownout pa rin po sa amin sa Cogeo, Antipolo City. Nasa ating computer po kasi ang kanilang larawan.
Samantala, walang isyung
TORO newspaper noong isang araw. Sanhi po iyon ng brownout sa Pier, Maynila. Ang nangyari, ang kolum natin na lumabas sana
noong isang araw ay lumabas kahapon. Pasensya na po sa aberya.
Sa lahat po ng mga kasama natin sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) at
Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO), kumakatok po sa ating puso ang ating kasama sa PHLRC na si Ka. Alberto “Allan”
Pasilan para humingi ng tulong sa ating samahan.
Ang kanyang misis po ay nangangailangan ng 2 bags na dugo, type O.
Tatanggalan, aniya, ng matris ang kanyang
may-bahay sa darating na Hulyo 20. How sad naman...
Sana makiisa tayong lahat para matulungan ang ating kasama.
Ang inyong lingkod po ay type O rin ang dugo baka isa rin
tayo sa magdo-donate rito.
Kung may mga kaibigan o kakilala kayo na willing mag-donate, mag-text lang kay Ka. Nancy Malindog at Ka. Mhae Paycana.
Sa lahat naman ng mga kaibigan
nating riders club sa Facebook, kumakatok din po kami sa inyong puso para manghingi ng konting tulong para sa misis ng aming
kasama.
Pagpapalain
nawa tayo ng Diyos.
Samantala, nag-text sa atin si Ka. Rolly Malupa kahapon kung saan iniulat niya sa atin ang paghatak ng isang wrecker
ng sasakyan ng kanyang big boss na nakaparada sa tapat ng isang tindahan habang siya ay nananghalian. Nangyari
ito sa tapat ng Starmall sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
Abangan sa Lunes ang ating banat!
Sa lahat ng PHLRC riders, kita-kits tayo sa Linggo ng 5:00
ng umaga sa Quezon City Circle!
See you all on Monday!