Ang tamang pagbigkas ng
PHLRC ay PIL-RC.
***
Good
day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-1 ng Hulyo ngayon, taon 2010.
Si Noynoy Aquino na ang Presidente ng Pilipinas! Klap, klap, klap!
‘Antayin natin ang
pangako niyang pagbabago! Haist!
Nais kong ipaabot sa pamamagitan kay PHLCO President Jocelyn Malupa ang aking taus-pusong pasasalamat
kay Chairwoman Elenita De Jesus, ng Brgy. Samson, Quezon City dahil sa mas lalo pa niyang pinaganda ang mga certificate ng
“Panunumpa sa Katungkulan” ng mga bagong talagang opisyales ng Pinoy Hot Line Riders Club nitong Hunyo 27, 2010
sa loob mismo ng kanyang tanggapan.
Samantala, bago ko makakalimutan, sa darating na Linggo, Hulyo 4, ay magkakaroon ng proyekto ang
PHLCO/RC na may temang “OPLAN LINIS Laban sa Dengue” na gaganapin sa Brgy. Samson sa Quezon City.
Magkikita-kita ang mga
opisyales at mga miyembro ng PHLCO/RC sa basketball court ng nasabing barangay ganap na alas-7:00 ng umaga.
Ang hindi makaka-attend
sa proyektong ito ay may penalty na P200.
Pagkatapos ng proyekto, magkakaroon naman ng outing ang PHLCO/RC sa darating na Hulyo 11 (Linggo)
sa Sta. Maria, Bulacan. Ito na ang ika-4 na outing ng PHLCO/RC. Galing!
Isinusulat natin ang kolum na ito kahapon, nag-text sa inyong
lingkod si Ka. Karen Rocero na nagluluto na raw ang kanyang ama na si Ka. Rico. Bahagi ito ng pagselebreyt ng kaarawan ni
Ka. Karen.
Ay!
Pang-ilan taon mo na nga pala ito, Ka. Karen?
Many thanks kay Ka. Rolly Malupa at kay Ka. Jocelyn Malupa na nagpunta pa sa bahay kahapon para
ihatid lang ang mga certificate ng panunumpa ng PHLRC officers.
Kuwentuhan ulit tayo bukas. Marami pa tayong pag-uusapan.
Magandang araw po sa inyong
lahat.