Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
speciaL
REPORT muna tayo mula sa mga field reporters ng Pinoy Hot Line.
***
Ayon sa report ni Ka. Edgar Maglalang, isang truck ang sumadsad sa poste ng Meralco
at tumama sa metro ng tubig na naging dahilan ng pagtagilid ng truck sa Brgy. Mambugan, Antipolo City, Rizal na
may plate number ZDH 749. Wala namang pinsala maliban lamang sa konting damage ng gilid ng Comoda Ville 1 sa naturang lugar.
Ang driver ng truck na si Edgardo Marcelo Valerio ay nagtamo lamang ng konting galos. Ayon sa driver, pababa siya galing
Volley Golf nang biglang mawalan ng preno ang kanyang minamanehong truck dakong alas-8:30 ng gabi kamakailan.
***
Sa lalawigan ng Bulacan,
sa report ni Ka. Rey Guinto, pinatay ang isang mag-ama ng kanilang kapitbahay.
Binaril at napatay ng suspek na si Ompong, nasa hustong gulang, may asawa, ang mga biktimang sina Edgardo Lunaria,
34-anyos, at Ernesto Lunaria, 65-anyos, kapwa nakatira sa Brgy. Bignay, Valenzuela City.
Naganap ang pamamaslang dakong alas-9:20 ng gabi kamakailan.
Ang dahilan ng pamamaslang ay nagsumbong ang kapitbahay na babae sa asawa ng suspek na diumano’y binastos ni Edgardo
na ikinagalit ni Ompong kung kaya’t kaagad pinagbabaril ang mga biktima gamit ang kalibre .45 pistola. Mabilis tumakas
ang suspek kasama ang asawa nito.
***
Sa Maynila, isang residente ng Brgy. 674 Zone 73 sa 1309 JF Nieto, Paco, Manila kung saan ininireklamo nila ang isang
bookies ng karera na pagmama-ari umano ng kanilang barangay tanod na si Kag. Mario Faraon.
Malakas daw ang kagawad na ito sa mga pulis kaya’t di mahuhuli-huli.
Mayor Lim, pakiaksyunan ang sumbong na ito! Biktima ang mga kabataan sa iligal na sugal na iyan.