Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Kung minsan, iniisip ng mismong organisasyon kung ano ang layunin ng umaanib
sa isang Riders Club gaya ng PHLRC. Bakit nga ba sumasali ang ilan? Dapat isa-alang-alang ito ng kinauukulan o opisyales ng
naturang samahan upang malaman at mabatid kung ka-layunin ba nila o kaisa ang isang indibidwal na rider sa pagsali sa nasabing
organisasyon.
At sa mismong motorista o isang rider,
anu-ano ang dapat isaalang-alang sa pagsali sa isang grupo tulad ng PHLRC. Kaisa ba siya o sila sa layunin at magandang motibo
ng grupo?
Narito ang ugali o diwa ng isang motorista
sa pagsali sa isang Motorcycle Club.
• Hindi sumali
upang makinabang o bigyan papuri ng sarili. Kaya ka sumali ay upang mapunan at malibang sa iyong pagiging motorista. Hindi
ka sumali upang maisakatuparan ang iyong pansariling pakinabang.
• Kaya sumali ay upang magkaroon ng bagong kakilala at kaibigan. Hindi mo dapat sila gamitin upang maabot
ang iyong self interest. Sumali ka dahil ibig mong malinang ang iyong self-confidence at self-esteem.
• Hindi ka sumali upang mang-abuso ng iyong kasamahan sa naturang
organisasyon gaya ng pangungutang, paghingi ng pabor na nauuwi sa pang-momolestiya ng kasama. Sumali ka upang makatulong sa
kapwa at hindi ikaw ang dapat tulungan.
• Hindi
ka sumali para magpasikat o maghambog sa iyong kapwa. Kahit na kasali ka ay dapat panatilihin ang pagpapakumbaba. Hindi ka
rin sumali upang pumorma sa ibang motorista. Tandaan na ang essence ng pagsali sa grupo ay magsilbi sa kapwa, kalikasan,
sa inang bayan at sa Diyos.
• Na kaya
ka sumali ay para maibsan ang nararamdaman mong mababang tingin sa sarili kung mayroon ka mang nararamdamang panlulumo.
Ang mga kasamahan mo sa club ang siya mong maituturing karamay at sandalan. Sila ay maituturing mo ring pamilya. At bilang
isang pamilya, ituring silang tunay na kadugo. Tandaan, na kapag mayroong pagkakataon sa iyong buhay na wala kang malalapitan,
ang grupo ang tutulong sa iyo.
• Na kaya
ka sumali ay upang magsilbing halimabawa sa ibang motorista na waring naikakahon ang pagiging motorcycle rider. Hindi dapat
sarilinin ang kaloob na biyaya at natatamong pagpapahalaga ng mga kasamahan. Mas marami mas maganda at mas masaya. Mas mapapadaling
maisasaayos ang mga pinapanukalang proyekto at planong makabuluhan kung marami ang involved dito.
• Kapag ikaw ay kasali na ang layunin ay para sa sarili lamang. Nagiging pabigat ka lang sa
grupo. Kapag nalaman nila ang iyong mga baluktot na layunin, ikaw din ang mawawalan ng pagpapahalaga, ang pag-ibig gaya ng
pagdamay ng isang kapatid sa panahon ng kagipitan.