Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay
ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-3 ng Hulyo ngayon, taon 2010.
Sa
lahat ng kasapi sa PHLCO/RC, magkita-kita tayo sa basketball court o barangay hall ng Brgy. A. Samson, Quezon City kaugnay
ng proyekto natin sa Linggo, 5am-7am.
Samantala, mahalaga sa isang motorcycle organization
ang pagkakaroon ng password at sign na magagamit ng mainam samahan. Ito’y katulad ng samahang Katipunan na may tatlong
password upang malaman na ang taong kasama nila ay lehitimong miyembro ng samahan.
Sa PHLRC, lubhang mahalaga
ang may ganitong hidden agenda upang malaman kung sino ang nagpapanggap o kung sino ang tunay. Maaaring gamitin ng mapagsamantalang
grupo o mismong isang motorcycle rider na hindi member ang pangalan ng samahan sa kalokohan.
Hindi
natin tatalakayin sa pitak na ito ang tungkol dito kundi sa darating na monthly meeting dahil lubhang confidential ito. Kapag
nalathala kasi ito rito ay baka gayahin ng iba kaya aakalain mong kasamahan mo rin sila sa PHLRC kahit hindi mo personal na
kakilala. Sa ganitong sistema, malalaman natin kung sino ang huwad at kung sino ang tunay.
MASAMANG
EPEKTO SA PAGGAMIT NG WANGWANG
Sa ibang motorista, may gumagamit ng wangwang.
Ano
ba ang kahalagan nito at para saan at kung sino ang dapat lang gumamit nito?
Karaniwang mga mobile
police cars at mga ambulansiya ang nararapat gumamit nito lalo na kapag emergency.
Subalit sa iba, ginagamit
nila ito upang palabasing VIP sila o pa-VIP effect para makakuha kagaad ng pabor sa lansangan lalo na kapag traffic. O ang
iba ay para manindak na akala mo kung sino o mala-terminator na mga indibidwal.
Masasabi ko lang, hindi
aplikapleng gamitin ito ng mga kapulisan kapag may tinutugis na criminal.
Nagbibigay lamang sila
ng senyaels o signal na paparating na sila kung kaya nababalaan ang mga masasamang loob na may paparating na mga parak.
Ang
siste, nakakatakas ang mga ito.
Halimbawa kapag may raid sa isang shabu lab, naabutan
na lamang ng mga kapulisan ang bodegang walang tao kung kaya wala silang nahuling suspek.
Tanging
mga ebidensiya lang ang nakalap nila, pero ang may pakana, wala, nakatakas na dahil sa WANGWANG.
Sa
mga motorista, kapag may ganitong sitwasyon, halimbawa may tinutugis ang mga pulis na mga criminal at nagpang-abot at nauwi
sa shootout, huwag sasabay rito at baka madamay ka pa. May nagyaring ganyang insidente noon sa Valenzuela.
Di
kaya, sinasadya ng mga tokmol na mga ibang pulis na magwang-wang na kung saan kasabwat sila sa mga druglord para makatakas
ang padrino nila.?
Nadudungisan tuloy ang imahe ng PNP at ng matitinong kapulisan dahil sa
kanilang mga tokmol na mga kasamahan.
Mga kababayan, walang masama sa salitang pulis, kundi
ang nagsusuot ng baro nito ang maaaring magpasama sa isang dakilang tungkulin.