WHAT:
Final briefing for Nueva Ecija outing
WHO: Members/Officers of PHLRC
WHERE: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
WHEN:
June 6, 2010 at 3:00pm
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-3 ng Hunyo ngayon, taon 2010. 10 days before 3rd outing ng PHLCO/RC!
Sa lahat ng mga opisyales ng PHLRC, kanselado na ang ating emergency meeting sa Biyernes. Sa madaling
sabi, makapagpahinga na po kayo ng maaga. Kita-kits na lang sa Sunday.
Sa
ibang dako, isinangguni natin nitong nakaraang Linggo sa ating mga kasama sa PHLCO hinggil sa mga dati nating kasama sa binuwag
nating Pinoy Hot Line Clan o (PHLC) noon na gustong sumapi sa PHLCO.
Iisa lang ang kanilang
desisyon, ayaw na silang tanggapin ng ating mga kasama sa PHLCO.
Kaya, para sa inyo,
mga dating kasama sa PHLC... sorry po!
Bago ko makakalimutan, paalala sa mga
dati nating kasama sa PHLC, wala na si Toytoy Bato, inanod na ng bagyong Ondoy! Ngeek!
Malapit
na ang Independence Day, kaya naman ay irerekomenda natin sa Linggo sa ating mga kasama sa PHLRC na lagyan ng flag ang dulong
bahagi ng kanilang motorsiklo kasabay ng biyahe natin papuntang Nueva Ecija kaugnay ng nalalapit na 3rd Outing natin. Bongga
ito!
Pagkatapos nga pala ng ating 3rd Outing, maglulunsad ng isang proyekto
ang PHLCO/PHLRC sa darating na Hulyo! Abangan!
Samantala, kamakalawa ng gabi, pinapanood
natin ang mga video na kuha ni Ka. Karen Rocero at Ronnie Terrado, astig ang kanilang mga kuha!
Doon ko nalaman na sobra palang haba ng nakapilang mga motor habang tumatakbo sa kahabaan ng Quezon
Avenue at Araneta Avenue.
Kitang-kita ko si Ka. Jhun Benitez, Ka. Bong Andrade,
Ka. Edgar Coria, Ka. Kim Abada, Ka. Rey Guinto at Ka. Miguel Dulay na nakaangkas sa ating mga kasama sa PHLRC habang bumibiyahe
sa lugar nina Ka. Rolly Malupa at Ka. Ruben Cabrillas. Galing! Klap, klap, klap!
Bukas,
mapanood n’yo sa ating website ang naturang video.
Sa Linggo, bibigyan
din natin ng tig-iisang kopya ng CD ang ating mga kasama para mapanood nila ang kabuuan ng monthly meeting ng PHLCO/RC nitong
nakalipas na Linggo.
Siya nga pala, may natanggap tayong reklamo laban sa
isang barangay captain sa Valenzuela City at mga nangongotong na mga parak sa Marilao, Bulacan, nguni’t bukas na natin
ito ibubulgar dahil kapos na tayo sa ating espasyo.
Adios amigos!