Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
GOOD
day, Philippines!
Wala na si Bagyong Juan, umalis na!
Babalik pa siya? Iyan ang hindi natin alam.
Maraming
pinahirapan si Juan, partikular na ang mga kababayan natin sa bahagi ng Isabela na siyang tinamaan ng naturang bagyo.
May tinamaan din si Juan sa PHLRC, walang iba kundi si Ka. Renito Arpilleda na hindi na kasama
sa survey ng PHLRC sa Real, Quezon Province nitong Oktubre 17, 2010 dahil pumasok siya sa trabaho nang araw na iyon.
Ang siste, gaya ng nauna kong pahayag, kinansela natin ang biyahe noong Sabado sa pamamagitan
ng group messages ni Ka. Nancy Malindog sa pangambang tumama ang nasabing bagyo sa Real, Quezon, base na rin sa mga ulat ng
ibang international weather forecast kung saan lumabas sa kanilang pagsusuri na posibleng magbago ang direksyon ang naturang
bagyo. Pinangalagaan po natin ang seguridad ng ating mga kasama.
Nguni’t
kinagabihan, kinumpirma na rin ng PAGASA na direktang tatama ang bagyo sa Isabela kung kaya’t muli na rin nating ipinarating
sa ating mga kasama sa PHLRC sa pamamagitan pa rin ng ating internal secretary na tuloy na ang biyahe ng samahan sa Real.
Hindi nakasama si Ka. Renito dahil papasok daw siya noong Linggo kasabay ng pagkansela natin
noong Sabado. How sad naman.
Tinawagan din natin si Pres. Freddie
Modesto noong Linggo ng madaling araw bago nag-take off ang grupo subali’t mayroon daw siyang inaasikaso.
Sa 6th Outing na raw siya makakasama.
May
magpapamiyembro sa PHLRC, ito ay si Ka. Ruel E. Paler ng Fairview, Quezon City. Ang kanyang motorsiklo ay Suzuki Raider 150.
Nakasama siya sa survey ng PHLRC noong Linggo kasama ang kanyang kasintahan na si Miss Cherielyn
Maniquis.
Maraming-maraming salamat nga pala kay Rafael H. Tapatan
na tumayong cameraman at reserved driver nang araw na iyon. Ang kasama ni Rafael ay si Ka. Rex A. Nañoz. Galing!
Samantala, nai-upload na natin sa YouTube ang biyahe ng PHLRC noong Linggo, ang pamagat ng video
ay “PHLRC - BITUKANG MANOK SA REAL”.
Nai-link na
rin natin ang naturang video sa ating Facebook. Enjoy!
Kagabi nga
pala, nagpatawag tayo ng emergency meeting sa lahat ng mga kasapi sa PHLRC para talakayin ang motorcade sa Sabado.
Motorcade sa Sabado?
Opo! Pero,
hindi pa ito kumpirmado kung okey sa ating mga kasama ang naturang motorcade.
Nag-text
kasi sa atin kahapon si Pareng Jojo Demetilla, anchorman ng Mellow Touch DWBL at DZRJ, kung saan ipinagbigay alam niya sa
atin magkakaroon daw siya ng parada.
Nagulat pa nga ako nang mabasa ko ang
kanyang text. Ano ang kanyang text? Heto’t basahin natin.
“Good
am, pre. Takbo ako ngayon bilang barangay chairman at si Venus bilang SK chairman dito sa Brgy. 153 District 1, Bagong Barrio,
Caloocan City. Pumunta kayo sa Sabado, may parada kami. Ang aking mga kagawad ay sina Andy, Beng, Chito, Ronnie, Sabath, Tyrone.
Barangay SK, Venus Demetilla, Barangay SK Kagawad: Shiela, Kimpo, Jermie, Jomardi, Khristian, at Wency. Magsisimula ang parada
ko ng alas-2:00 ng hapon. 5pm ang meeting de abanse. Pasensya muna at busy talaga. Salamat.”
Iyan po ang text message ni Pareng Jojo Demetilla sa atin kahapon.
Napangiti
na lang ako dahil marunong na pala siyang magwagayway ng kanyang kamay ngayon! Ha ha ha!
Infairness, kilalang tao ko itong si Pareng Jojo. Hindi ako nangangampanya para sa kanya pero gusto ko lang ilahad
sa inyo kung sino siya.
Si Pareng Jojo Demetilla ay minsan nang
naging PR Man ng binuwag kong Pinoy Hot Line Clan (PHLRC) at hanggang sa kasalukuyan ay PR Man pa rin siya ng Pinoy Hot Line
Civic Organization (PHLCO).
Marami ang hindi nakakabatid sa ating mga kasama sa PHLCO
na laging binabati ni Pareng Jojo ang PHLCO araw-araw sa kanyang programa sa DZRJ.
Likas siyang matulungin. Paano ko mapapatunayan?
Marami na akong
inindorso sa kanya na mabigyan ng trabaho at isa na rito ang aking may-bahay.
Personally,
minsan na rin akong natulungan ni Pareng Jojo, pero ‘di ko na babanggitin sa kolum na ito.
Para sa iyo, Pareng Jojo, good luck sa bago mong career!
SULONG PARANG!
Tapat na panunungkulan at totoong
paglilingkod. Makabuluhan sa ating lahat ang halalagang pang-barangay ngayong Oktubre 25, 2010.
Alam natin ang tunay na pagbabago at kaunlaran.
Kung
sa inyong mamarapatin, sa pamamagitan ng inyong pagpili sa amin ay pangungunahan ang pagbabagong ito.
Alisin natin ang pangsariling pangarap at isulong ang ikabubuti.
Sa pamumuno ni Kapitan na si Conchita P. Balanguit, kasama ang ating mga kagawad na si Caring
Pascual, na hadanng maglingkod sa bayan. Hindi sa salita, may gawa. Maglilingkod sila at totoong tutuparin ang kanilang mga
pangako, kasama si Kag. Amor Lituania, na tunay sa paglilingkod at ‘di puro salita. Kung ‘di may kaakibat na responsibilidad
at paggawa. Isa si Kag. Babes M. Santiago, na may slogan na “Boses Mo, Boses Ko Rin.”
Paunlarin natin ang ating sariling barangay dito sa Parang, Marikina.
Ka. Angie Santos ng PHLCO