Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-21
ng Hunyo ngayon, taon 2010.
Nagpatawag
tayo ng emergency meeting kahapon kung saan idinaos sa bahay ni Ka. Rico Rocero, isa sa mga Board of Trustee ng PHLRC, upang
plantsahin na ang mga rules and regulations ng samahan bago pa man ang monthly meeting ng Pinoy Hot Line Civic Organization
/ Riders Club sa darating na Hunyo 27, 2010 na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle sa may Bicycle Station ganap na alas
3:00 ng hapon.
Maliban sa mga
rules and regulations, inihahanda na rin ng PHLRC ang mga pangunahing kailanganin ng bagong miyembro ng samahang ito gaya
ng uniporme, ID card, PHLRC plate, at sticker matapos maaprubahan ng Securities and Exchange Commission ang Pinoy Hot Line
Riders Club bilang lehitimong samahan noong ika-7 ng Hunyo, 2010.
Bukod diyan, ipapatupad na rin ng PHLRC ang iba pang alituntunin para sa mas ligtas pang pamamaraan
habang sabay-sabay na bumibiyahe ang grupo sa isang lugar na napagkasunduang puntahan.
Isinusulat natin ang kolum na ito kahapon, hindi pa nagsisimula ang meeting.
Marami tayong ipapasang batas sa mga opisyales ng
PHLRC upang lalo pang tumatag at umunlad ang samahang ito.
Isa sa mga batas na mahigpit nating tinututukan ngayon ay ang pagkakaroon ng task force ng samahan
na siyang magresponde sa mga kasamahan at kapwa motorcycle riders na nalalagay sa kritikal na sitwasyon gaya ng aksidente
at iba pang emergency. Ia-update natin ito bukas.
Samantala, nagpapasalamat si Ka. Rey Guinto kay Ka. Louie Salva at kay Ka. Ruben Cabrillas na mabilis rumesponde nang
magkaaberya ang kanyang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa kanto ng Abad Santos at Rizal Avenue Ext. patungong R. Papa
sa tapat ng Hermosa St., sa Maynila.
Samantala,
welcome sa bagong miyembro ng PHLRC na si Ka. Michael Escol!
Binabati natin ng magandang araw ang buong tropa ng Laguna Motor Riders Federation, SRC Straider
Riders at Los Baños Road Runners. Good luck sa inyong lahat, mga Ka-Riders.
PAALALA SA LAHAT: Laging mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo.
Adios, amigos!