Buenas dias, amigos!
Ika-30 ng Abril ngayon taon 2010.
May natanggap tayong e-mail kamakalawa at ngayon
lang natin ito nabigyan ng pagkakataon dahil kapos tayo sa espasyo kahapon.
Narito ang mensahe sa email.
“Good day po, Even Demata! Ako po ay naaawa lamang sa mga kabataang nagpupunta sa Bahay Ni Kuya lalo na kapag
eviction night. Siguro, para makita ang mga paboritong artista at ilang housemates na palalabasin na sa bahay. Pero, nagmumukhang
engot sa katatanaw kina Toni, Mariel, at Bianca na nasa layo o natatakpan ng ilang crowd, bubong at bintana na lang ang nakikita
nila sa bahay.
Ewan ko nga ba
sa mga kabataan kung bakit nila sinasayang ang oras nila sa walang kapararakang mga bagay gaya ng pagpunta roon sa Bahay Ni
Kuya, wala naman silang makikita kundi bubong at harapan lang ng bahay. Pupuwede namang manood na lang sa kanila-kanilang
bahay.
Ang iba riyan sa fan ay
lumuwas pa sa lalawigan para makapunta lamang sa naturang pamosong bahay. Kawawa naman sila, na sa kabila ng ngiti at tuwa
kapag nasa harap ng bahay ni Kuya ay nariyang gutom at pagod kapag wala na roon. Buti sana kung may binibigay na pagkain sa
mga naroroon. Hindi sa sinisiraan natin ang PBB kundi nilalagay lamang natin sa tama ang sitwasyon.
Naiintindihan namin ang feeling ng pagiging fan ng PBB. Nakatatak na ‘yan.
It’s none of your business para sa pakialamero, pero ano na lang ang mangyayari pagkatapos na pumunta ng bahay ni Kuya?
Sa dis oras na ng gabi, nariyan ang nakambang panganib sa mga kabataang nagtungo roon. At ang masaklap baka mapahamak pa sila
sa kamay ng masasamang loob.
Mabuti
pa siguro ay agahan na lang ang ere ng eviction night, mga around 8 o 9 PM para makauwi agad ang mga dumalong kabataan sa
PBB house. Okay lang sa malapit pero, paano ang malalayo? Alam ba ng kinauukulan ng PBB ang nangyayari sa kanila kapag wala
na sa harap ng bahay? Nariyang natutulog sila sa bangketa, hindi na kumakain at naglalakad na lang pauwi. Nariyang nahahamugan
na at naiinitan makauna lang sa pagtungo sa bungad ng bahay.
Sana, isipin din ng kinauukulan ng PBB ang kaligtasan ng mga kabataang sumusuporta sa naturang palabas.
At sana, pagawan ng task ang mga PBB teen housemates na maipapamalas nila ang kanilang kakayahan gaya ng gumawa ng awitin
o gaya nito upang tumatak sila sa masa. So far kasi, wala pa kaming nakikitang matikas talaga sa kanila, mukhang mga hilaw
pa at pa-cute.
Pagawan sila ng kantang
makabuluhan sa magagawa ng kabataan sa lipunan. Tiyak na tataas pa ang ratings nito kapag ginawa ni Kuya iyon.”
–Concerned Citizen (thru e-mail)