Ang tamang
pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
Who: PHLCO / PHLRC
What: Monthly meeting
Where: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
When: May 30 (Sunday), 2010 at 12:00 noon.
***
Buenas dias, amigos!
Ika-26
ng Mayo ngayon, taon 2010.
Belated
happy birthday nga pala sa ating kasama sa Pinoy Hot Civic Organization (PHLCO) na si Ka. Miguel “Migs” Dulay.
Magpapakanton daw siya sa Linggo! Haist!
Speaking of Linggo, makakatanggap ng magandang balita
ang ating mga kasama sa PHLRC at PHLCO. Bakit nga pala alas dose ng tanghali magsimula ang meeting?
Birthday po kasi ni Ka. Rolly Malupa sa darating na Sabado at anak naman
ni Ka. Ruben Cabrillas. Sa Sunday gaganapin ang handaan para lahat ng mga kasama natin sa civic at riders club ay mabubusog!
Sarap!
Ang usapan, lahat ng mga
kasapi sa PHLCO na naunang dumating sa Quezon Citu Circle ay ihahatid ng ating mga mababait at masisipag na riders sa lugar
na pagdausan ng birthday celebration nila ni Ka. Rolly.
Naaalala ko nga pala, may big surprise daw si Ka. Ruben sa ating mga kasama. Yes!
Bago ko nga pala makakalimutan, lahat ng mga ka-riders
natin sa PHLRC na nakapagbigay ng kanilang TIN number at cedula bawal pong mag-absent sa Linggo. Marami kayong pipirmahan.
He he he! Natapos na po kasi ni Ka. Nancy M. ang pagtipa ng pinakamahalagang dokumento ng ating grupo.
Sa ibang dako, isinusulat natin ang kolum na ito
kahapon, magkikita kami ni Ka. Alejandro Parilla. Tatalakayin namin ang ilang bagay hinggil sa pagpunta ng ating grupo sa
kanilang bahay sa darating na Biyernes.
Samantala, tungkol naman sa 3rd outing ng PHLRC sa darating na Hunyo 12 sa Nueva Ecija, ang eksaktong oras ng biyahe
natin ay alas 10:00 ng gabi. Sabado po ang Hunyo 12. Kailangang maaga ang biyahe natin para ‘di tayo mabibitin sa outing
lalo pa’t magkakatay tayo ng kambing. Sana makasama si Ka. Dan Alfred Madriaga.
Happy Pinoy Hot Line reading pala kay Arnel Teves na nagtatrabaho sa Meralco. Masugid po natin siyang
reader.
No more space na po tayo.
See you all again tomorrow.