Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC habang sa PHLCO
naman ay PIL-CO.
***
Hi,
I want to join in your club, but I haven’t any owned motor.
–091261674++
Ganito na lang po kasimple
ang sagot sa tanong mo, kabayan... paano ka makipaggiyera sa mga kalaban kung wala kang dalang armas?
***
Good am, PHLRC! Si Richard Calbario ito ng Bacoor, Cavite.
Member kami ng Guardians Loyal Brotherhood, Inc. - Bacoor Chapter. Gusto sana naming maging kasama kami sa grupo ninyo. Isa
akong security guard.
–090910822++
Anytime po puwede kayong
sumama sa amin basta’t mayroon kayong mga motorsiklo. Good luck.
Ano
po ba ‘yung PHLRC? Trabaho ba ‘yan? Lalaki ako, 26 years old. Puwede po ba ako diyan?
–091249897++
Ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ay hindi isang establisimyento at naghahanap ng trabahador.
Ang PHLRC po ay isang samahan ng mga mayroong sariling motorsiklo. Kapag miyembro ka ng kahalintulad ng aming samahan, ikaw
ay makikiisa sa mga aktibidad, rules and regulations, at mga mithiin ng grupo. Ang mga ganitong samahan ay walang sahod gaya
ng iyong inaasahan. Kung ikaw ay sasali sa PHLRC, kailangang bukas sa iyong kalooban na sumunod sa mga patakaran sa ilalim
ng PHLRC. Nguni’t dapat n’yong malaman, na ang PHLRC ay hindi basta-bastang samahan. Isa sa mga layunin ng aming
grupo na mabigyan ng benepisyo ang bawat miyembro sa oras na magkaroon ng sakuna o aksidente. Maliban pa diyan, kami ay nagsasagawa
ng public/community service na walang anumang kapalit na halaga katuwang ang Pinoy Hot Line Civic Organization. At dahil riders
club kami, nagkakaroon kami ng mga biyahe sa malalayong lugar kada-buwan. Halimbawa, sa darating na Linggo, Oktubre 17, kami
ay bibiyahe sa Real, Quezon Province at sa Oktubre 30 naman ay sa Iba, Zambales. Kapag sumali ka sa PHLRC, asahan mong magkakaroon
ka ng maraming-maraming kaibigan na kahalintulad ng hilig mo na mula pa sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at mga
karatig na lalawigan. Higit na pinaiiral ng PHLRC ang magandang ugnayan sa bawat isa ng mga miyembro rito. Bawal mag-sir sa
kapwa PHLRC rider sapagka’t lahat ng mga kasapi rito ay pantay-pantay mahirap ka man o mayaman. Tumawag lang po kayo
sa aming hot lines para sa karagdagang impormasyon.
***
Sir/Madam, paano po ba sumali sa grupo ninyo? May sarili
akong motor na Honda 125. Puwede ho ba?
–091996156++
Madali lang po. Pumunta
lang po kayo sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City sa darating na Oktubre 24 (Linggo) kasabay ng aming buwanang pagpupulong
sa oras na alas-10:00 ng umaga. ‘Wag kalimutang dalhin ang xerox copy ng OR/CR o rehistro ng inyong motorsiklo at driver’s
license.
***
Good
pm, PHLRC! Gusto ko pong sumali sa inyo. May motor ako at mahilig din ako sa biyahe at available ng Sunday kahit may work.
Paano po sumali.?
–093011156++
Kung interesado po kayo na umanib sa aming
samahan, sundin na lang po ang ibang impormasyon na binanggit ko sa itaas.