Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC
na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders Club.
***
Sa lahat ng mga kapatid sa PHLRC, gusto n’yo bang maki-Shembot? Hala sige, kita-kits sa Linggo!
Speaking of Shembot, ang popular na musika ng Eat Bulaga, marahil na marami sa
ating mga kaibigang riders club ang nakapanood sa pinadalang video ng Makabayan Riders na nakabase sa Southern California
kung saan sabay-sabay na nagsasayaw ang mga miyembro ng naturang samahan na naka-helment! Galing!
Sa araw na ito, malalaman kung sino ang mananalo sa Eat Bulaga doon sa mga nagpapadala ng video
na grupong nagsasayaw ng Shembot.
Congrats, Makabayan Riders!
***
Araw-araw nang ina-update
ng inyong lingkod ang website ng PHLRC na www.even.tripod.com.
Sa abot
ng makakaya ng ating kaalaman, gumawa ng paraan ang inyong lingkod para lalo pang gumanda ang ating website kahit ito ay free
hosting lamang ng Tripod.com.
Sana, lahat ng PHLRC riders ay matutong mag-internet
o kaya’y kahit mabisita lang lagi ang website ng PHLRC sapagka’t lahat ng latest update sa ating samahan ay naka-post
doon. Mas detalyado ang inyong malalaman sa pinakahuling kaganapan ng ating samahan kumpara sa Facebook, sa kolum na ito at
sa group message (GM).
Wish na lagi kayong bumisita sa website ng PHLRC.
***
Nag-text kahapon sa Pinoy
Hot Line ang ating kapatid sa PHLRC na si Ka. Jun Benitez.
Nagpaabot
siya ng pasasalamat sa mga kapatid sa samahan na tumulong sa kanya nang maaksidente siya kamakailan. Nagpapasalamat din siya
sa kanilang nurse sa site ng kanyang pinapasukan na si Miss Angelyn Gueverra na sumama umano sa kanya at sa isa pang nurse
na si Rachel Olympia at sa doktor naman na si Dr. Barzaga na nag-checkup sa kanya sa Tagaytay Hospital and Medical Center.
Nagpapasalamat si Ka. Jun sa kanilang kabaitan.
***
Bukas ay emergency ng lahat ng kasapi sa PHLRC at PHLCO.
Inaasahan ng inyong lingkod na dadalo ang lahat ng ating kapatid sa samahan.
Personal po nating tatalakayin ang Christmas Party ng Pinoy Hot Line Riders Club
at Pinoy Hot Line Civic Organization.
Ngayon pa lang, puwede n’yo
nang ihanda ang regalong pang-exchange gift. Nagkakahalaga lamang sa P100.
Bukod sa X’mas Party, marami pang tayong tatalakayin para sa ibang development ng ating grupo sa susunod na
taon.
Magkakaroon din tayo ng pictorial bukas kung saan isa-isang kunan
ng larawan ang bawat kasapi sa PHLRC habang nakasakay sa kanyang motorsiklo. Ito ay gagamitin sa ating kolum.
Para mas malinaw, bawat araw ay may ilalabas ng isang miyembro ng PHLRC dito sa Pinoy Hot Line
column. Ginawa na natin ito noon.
Paalala: Isuot ang uniporme at ID
ng PHLRC bukas.
Sa Monday ulit!