Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay Pil-RC.
***
KAKAPASOK lang ng balitang
ito. Pumanaw na ang dating Editor-In-Chief ng TORO na si Sir Arnold Pajaron kahapon sa Chinese General Hospital.
Bago ito, batay sa nakalap nating impormasyon, angkas ng motorsiklo si Sir Arnold
Pajaron nang magtungo sila sa Sta. Maria, Bulacan nang aksidenteng nakasagasa sila ng bato dahilan para tumilapon si Sir Arnold
sa motorsiklo. Hindi raw siya nagsuot ng helmet. 50/50 ang lagay niya nang isugod siya sa naturang ospital.
Ang siste pa, ayon kay Pareng Alvin, ang motorsiklo na sinakyan ni Sir Arnold ay pagmamay-ari ni
Ardie Avilles, may ari ng Dyaryo ng Bayan, isang lokal na pahayagan na nakabase sa Taytay, Rizal. Apat katao sila at
dalawa ang motorsiklo.
Nagpalit daw sila ng motor nang gabing iyon
kung saan si Ardie ay hindi nagmaneho sa kanyang motorsiklo.
Nauna
sila Ardie. Nang mapuna umano nilang ‘di na nakasunod sa kanila sina Sir Arnold ay hinintay nila ito ng matagal, hanggang
sa magpasya silang balikan ang mga kasama.
Laking gulat na lamang umano
nila Ardie nang makita ang nagtipon-tipong mga tao sa tabi ng kalsada at doon nila nakita si Sir Arnold na kritikal ang lagay.
Ang driver umano ni Sir Arnold ay nabali ang baywang dahil sa lakas ng impact ng
kanilang pagkasemplang.
Ito ay kuwento pa lamang ni Pareng Alvin, i-a-update
namin sa inyo ang kumpletong detalye hinggil sa pangyayaring ito.
Para
sa kaalaman ng lahat, si Sir Arnold Pajaron po ay dating Editor-In-Chief ng TORO.
Malaki ang utang na loob ng inyong lingkod sa mabait na taong ito... kung hindi dahil sa kanya, hindi ko marating
ang kinalalagyan ko ngayon.
Sir Arnold, kung saan ka man naroroon ngayon,
taus-puso po akong sumaludo sa inyo. Hangad ko ang katahimikan ng iyong kaluluwa.
Buong puso rin akong nakikiramay sa kanyang mga naulila.
Again,
rest in peace, Sir Arnold Pajaron.
Bukas ulit!