Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC na ang ibig sabihin ay Pinoy Hot Line Riders
Club.
***
Plansado
na ang lokasyon na pagdadausan ng Christmas Party ng Pinoy Hot Line Riders Club at Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO)
sa Disyembre 19, Linggo. Ito ay gaganapin sa Kingsville Heights Sudb., Brgy. Inarawan, Antipolo City.
Ang grupo ay magkikita-kita sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-5:00 ng madaling araw
para sabay-sabay nang magtungo sa lokasyon ng pagdadausan ng Christmas Party ng samahan.
Take note: Kahit buong pamilya ay puwede n’yong dalhin sa Christmas Party na ito.
Kahapon, kasabay ng emergency meeting, nakapagbigay na ng P100 para sa food ang mga kasapi sa PHLRC.
Ang entrance fee ay P100. Walang bayad ang mga bata na may edad 5-anyos pababa.
Mayroong ding exchange gift ang X’mas Party na ito na nagkakahalaga lamang
ng P150 bawat kasapi sa PHLCO/RC.
Sketch: Kung galing kayo ng Cubao,
baybayin lang ang kahabaan ng Aurora Blvd. patungong Masinag going to Cogeo diretso na sa Inarawan. Madaanan ang planta ng
RC Cola, at tatlong kilometro ang layo mula sa RC Cola ay Kingsville Heights Subd. na. Makikita ito sa bahaging kaliwa. Makikita
n’yo rin ang tarpaulin ng PHLRC.
Bukas marami pa tayong pag-uusapan.
Bisitahin n’yo rin ang ating website para sa latest updates.