Good day, Philippines!
Ika-10 ng Agosto ngayon, araw na Sabado, 2010!
Busog ang lahat ng kasamahan natin sa Pinoy Hot Line Civic Organization and Riders Club (PHLCO/RC) nang magtungo sa
Montalban, Rizal, kahapon ng umaga kaugnay ng kaarawan ni Christoper James Mendez.
Kung ‘di ako nagkakamali, lasweeeeeeeng na naman ang mga hardcore! Ha ha ha ha!
Bagama’t maulan kahapon, nasuklian naman ito ng mainit na papaitan! Ha ha ha!
Maraming-maraming salamat po sa isa sa ating sergeant at arms na si Ka. Ronald Mendez at Ka. Rowena Mendez dahil sa
mainit na pagtanggap sa ating mga kasama at sa daming handa kaugnay ng kaarawan ng kanilang mahal na anak.
Infairness, mababait ang mga kapitbahay nila.
Samantala,
bukas, araw na Martes, birthday naman ng bago nating kasama sa PHLRC na si Ka. Marvin Fuestes. Siyempre pa, imbitado ang ating
grupo kaugnay ng kanyang kaarawan.
Bukas ng alas-7:00 ng gabi, magkita-kita
ang grupo sa bahay ni Ka. Rico Rocero sa Kundiman St., Brgy. Paltok, Quezon City.
Kita-kits bukas, mga Ka-Riders!
Sa ibang dako, isang traffic
enforcer sa Meycauayan, Bulacan ang inirereklamo ng kasama natin sa media dahil sa umano’y ‘di ito kumilala sa
press o print media makaraan itong kuwestiyonin kaugnay ng pangungutong ng mga kasamahan niya.
Ang traffic enforcer na ito ay si Antonio Santos ng Northville, Bayugo, Meycauayan, Bulacan.
Bukod kay Santos, isang traffic enforcer pa ng Meycauayan na si Christian Legaspi na umano’y
nanghihingi ng P10 sa mga tsuper ng pampasaherong dyip, ang kolektor daw nito ay isang jeepney barker sa harap ng Mercury
Drug- Meycauayan Branch.
Attention, Antonio Santos at Christian
Legaspi, bilangin n’yo ang mga araw n’yo!
Kung mahal n’yo
ang trabaho n’yo, umaayos-ayos kayo!
Akala n’yo kung sino
kayong matitinong traffic enforcers, eh, masahol pa kayo sa buwaya!
Dapat
sa inyo, mag-traffic enforcer sa Ilog Pasig! Mga buwaya sa gitna ng kalsada! Pwe!
Samantala, mayroon pa tayong isang reklamo na natanggap.
Tungkol
naman ito sa baha diyan sa A. Santos Subd., Pasolo, Valenzuela City.
Matagal
na raw ang naturang baha pero walang aksyong ginawa ang mga opisyales ng barangay!
Payo ko, ‘wag n’yo nang iboto ang mga opisyales sa inyong barangay sa darating na eleksyon. ‘Yon
lang.