WHAT: Final briefing for Nueva Ecija outing
WHO: Members/Officers of PHLRC
WHERE: Quezon City Memorial Circle (in Bicycle Station)
WHEN: June
6, 2010 at 3:00pm
***
BUENAS dias, amigos!
Ika-4 ng
Hunyo ngayon, taon 2010. 9 days before 3rd outing ng PHLCO/RC!
First, welcome sa bagong members
ng PHLRC na sina Angelito Aboga at Glen Calalang.
Madalas tumatambay ang inyong lingkod sa pinagtatrabahuan
nina Ka. Ernie Padigdig at Marlou Dahunog sa Pit Shop na matatagpuan sa kahabaan ng 153-D Araneta Avenue, Quezon City.
Nakakabanas po kasing magbiyahe lalo na kung matrapik sa mga lansangan na tinatahak natin pag-uwi, kaya naman,
bago umuwi ang inyong lingkod, nakatambay tayo sa Pit Shop.
Wala lang... kuwentuhan lang kami
ng kung anu-ano basta’t makalimot lang sa oras, he he he!
Si Ka. Ernie Padigdig ay eksperto
‘yan sa mga makina ng mga laruang pangmayaman habang si Ka. Marlou naman ay eksperto sa paghihimas ng kanyang kalibre
.38 na baril! Ha ha ha! ‘Pag may magloloko-lokong pusa tiyak paktay kang bata ka! Ha ha ha!
Kamakalawa
ng gabi, personal tayong dumalaw sa bahay nina ni Ka. Marlou at Ka. Ernie.
Nakakuwentuhan natin
sila habang tumatagay ng malamig na Red Horse! He he he he!
Wala akong orasan pero sabi ng aking
kumander, alas 3:00 na raw ng madaling araw ako nakarating ng bahay... kaya pala nanlilisik ang mga mata niya! Ha ha ha!
Many thanks sa inyo, Ka. Marlou at Ka. Ernie.
Ang sarap nu’ng litson na
manok, he he he!
Samantala, nagpunta kami kahapon ni Ka. Nancy M. sa SEC o Security and Exchange
Commission.
Mga ilang oras din kaming nakatambay sa Registration Division ng SEC habang tsinitsek
ng mabuti ng staff ng naturang ahensiya ang mga dokumentong ipinasa natin sa kanila.
Dali-dali
kaming bumaba ni Ka. Nancy M. mula sa 2nd floor ng SEC matapos makitang nagkaroon ng typograpical error ‘yung pangalan
ni Ka. Fredelito Modesto. Naging Fredeliro po kasi ang pangalan ni Ka. Fredelito.
Pagkatapos makorek,
mabilis kaming bumalik sa Registration Division at muling ipinasa ang mga dokumento ng Pinoy Hot Line Riders Club.
Sa kabuuan ng kuwentong ito, aprub na po ang Pinoy Hot Line Riders Club sa SEC. Klap, klap, klap!
I love you, PHLRC!
Sa ibang dako, bigyang daan muna natin itong text mula sa ating
kasama sa PHLCO.
“Magandang araw po, Founder Even Demata. Nais
ko pong ireklamo ang ginagawang kalsada dito sa aming lugar. Ilang buwan na po ito, subali’t hanggang ngayon ay hindi
pa rin matapos-tapos, sapagka’t ninanakaw ng mismong foreman ang mga materyales kasabay pa ang mga residente dito sa
aming lugar. Ang masaklap pa ay binarahan pa ang daluyan ng tubig-baha, kaya ang tubig-baha ay naiipon sa isang lugar sanhi
ng laganap na sakit na dengue. Ilang beses na po naming inilapit kay Ka. Kap. Kano Aravilla, Jr. ang problemang ito, subali’t
bingi at bulag ang kapitan. May pondo naman po ang lokal na pamahalaan dito, at ang isa pa po, oras ng trabaho ay nag-iinuman
ang mga trabahador, kaya wala silang nagagawa. Sana bigyang pansin at masolusyonan ang karaingan ng mga residente ng Libo
1, Malanday, Valenzuela City. Maraming salamat po.”
–Jaime Andrade ng PHLCO