2 pilots missing sa pagbagsak ng Navy helicopter
ZAMBOANGA CITY - Kinumpirma kahapon ni Naval Forces Western Mindanao Command
outgoing Commander Rear Admiral Alexander Pama na dahil sa engine trouble kung kaya’t bumagsak ang Bolkov helicopter
ng Philippine Navy bago magtanghali kanina sa isla ng Sta. Cruz, Zamboanga City.
Sa isang panayam kay Pama, sinabi nitong nagsasagawa ng routinary
flight ang Bolkov helicopter nang magkaroon ng engine trouble at bumagsak ito sa karagatan.
Dagdag pa ng opisyal, bukod sa routine flight, kinukunan din
ng mga ito ang ongoing Small Boat Amphibious Landing Exercise ng Naval Forces Western Mindanao kung saan kasama ng dalawang
piloto ang tatlong personnel ng Civil Military Office o NF7 na nagdodokumento ng naturang exercise.
Ayon pa kay Rear Admiral Pama, kitang-kita
pa ng ilang Navy officers ang pagliyab ng rescue helicopter bago ito bumagsak.
Kaagad namang na-rescue ang tatlong pasahero na nakilalang
sina Petty Officer 3 Noel Ridad, Rodolfo Pataueg at Petty officer 3 Abdon Martirez na kasalukuyang sumasailalim sa medical
treatment sa Camp Navarro General Hospital.
Hanggang sa kasalukuyan, pinaghahanap pa ng mga Navy at Coast Guard divers ang dalawang piloto na
sina Lt. Corpuz ang pilot at si Lt. Tamayo na siyang co-pilot.
Samantala ayon naman kay Lt. Gen. Ben Dolorfino, malaki pa rin ang kanilang
paniniwala na buhay pa ang dalawang nawawalang piloto na posibleng tinangay ng malakas na alon.
Sa ngayon mas pinalawak ng Naval forces
Western Mindanao ang kanilang rescue effort para marekober ang dalawang piloto.
Na-recover na rin ang roter blade ng bumagsak Bolkov helicopter.
JOSIE MALUPA
Spray plane bumagsak
sa Davao
DAVAO
CITY - Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng Air Transportation Office (ATO) upang malaman kung mechanical o pilot error
ang dahilan ng pagbagsak ng isang spray plane sa bayan ng Sto. Tomas. Davao del Norte.
Sinasabing aksidenteng bumagsak ang Awac aircraft na mayroong
body number RPR1777 sa isang banana plantation sa Sitio Palibato, Brgy. Kimamon, Sto. Tomas, Davao del Norte.
Ang spray plane ay bago
lamang naka-takeoff sa runway ng Sanfilco, pero sa kanyang paglipad ay bigla na lamang nawalan ng control ang piloto na si
Capt. Dela Salde.
Samantala, inamin naman ng Sto. Tomas PNP na nahihirapan silang kumuha ng impormasyon dahil ayaw magbigay ng pahayag
ang management ng Stanfilco sa naturang pangyayari.
Nalaman na puno ng mga chemicals na pangontra ng segatoca ang spray plane nang bumagsak.
Swerte na lamang na nakaligtas
ang naturang piloto.
MONICA ROCERO