Ang
tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
Good day, Philippines!
Mabuhay ang mga motorcycle riders sa bansa!
Ika-6 ng Hulyo ngayon, taon 2010.
Tagumpay ang inilunsad na proyekto ng PHLCO/RC nitong Linggo
na ginanap sa kahabaan ng Kaingin Road, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City katuwang ang mga staff ng nasabing barangay.
Maraming-maraming salamat
po kay Kapitana Elenita De Jesus dahil nilibre pa niya kami ng tanghalian bukod pa sa mga pinadala niyang snacks! Naks! Ang
galing! Busog! He he he!
Pagkatapos ng proyekto na may temang Oplan Linis Laban sa Dengue, tumulak ang ating grupo sa unang pagkakataon sa
bahay ni Ka. Gerry Lanuza, vice-president ng PHLRC, sa Baseco Compound, Tondo, Manila.
Hindi gaanong nagtagal ang inyong lingkod
kina Ka. Gerry sapagka’t may pasok din tayo nang hapon na iyon.
Nakasabay natin sa pag-uwi sina Ka. Jojo Parilla, Rolly Malupa,
Ruben Cabrillas, Ronnie Rerrado at Karen Rocero, Edwin Rosaldo, Ronald Mendez, Gary Lilio, Michael Escol at Rico Rocero.
Balak pa nga sanang bumisita
nila Ka. Ronnie dito sa tanggapan ng inyong pahayagan subali’t hindi na sila nagpapatuloy.
Kinagabihan nitong Linggo, nakatanggap
tayo ng text mula sa ating mga kasamahan sa PHLRC.
Mukhang nagkaroon ‘ata ng problema sa bahay nila Ka. Gerry.
Ang siste, nanghina raw si Ka. Renito Arpilleda,
isa sa mga board of trustee ng PHLRC, at hindi na raw ito nakabangon.
Bigla akong kinabahan pagkabasa ko sa naturang text. Gayunman,
biglang sumagi sa isip natin na baka epekto lang iyon ng natomang The Bar! Ha ha ha ha!
Nagkakantahan kasi sila ni Ka. Dhionel
Pillan at Flor Mamza, Nancy Malindog, at Dioscorro Policarpio nang iwan natin sila sa bahay ni Ka. Gerry.
Kinabukasan, napag-alaman
natin na hindi pala sa The Bar ang dahilan kung bakit nanghihina si Ka. Renito.
Ang kuwento sa atin ni Ka. Nancy, lumabas daw sa bahay nila
Ka. Gery si Ka. Renito na walang damit.
Binati raw siya ng babaeng mahaba ang buhok ng “Ang ganda ng katawan mo.”
Pagbalik ni Ka. Renito
sa bahay ni Ka. Gerry, doon na umatake ang umano’y USOG.
First time lang daw iyon nangyari kay Ka. Renito, ayon pa kay Ka. Nanz.
Dahil sa nangyari, nagkaroon
‘ata ng bahagyang tensyon sa lugar kung saan tinanong si Ka. Renito ng mga kapitbahay nila Ka. Gerry kung sino ‘yung
bumati sa kanya na babae.
Sa kabuuan, napag-alaman na ang inilarawan ni Ka. Renito na aniya’y babaeng bumati sa kanya ay tatlong taon
nang patay!
Kahapon ay nakapasok na si Ka. Renito sa kanyang trabaho.
Samantala, at dahil tapos na ang proyekto ng ating grupo, sa darating na
Linggo ay magkakaroon ng 4th Outing ang PHLCO/RC sa Sta. Maria, Bulacan.
Ang buong detalye, abangan bukas!