Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC.
***
KAMAKAILAn, nabasa natin sa mga kolum ni Cristy Fermin sa ilang tabloid na kanyang pinagsulatan
kung saan personalan na ang kanyang banat sa kasalukuyang komedyante at host ng “Pilipinas, Win na Win” na si
Pokwang.
‘Pag binasa n’yo ang mga kolum niya, tiyak na tataas
ang mga kilay ninyo.
Puwede nating sabihin na nilabag ni Cristy
Fermin ang Journalist’s Code of Ethics.
Masyado na niya kasing
inabuso ang karapatan niya sa pagsusulat na nakakatapak na ng iba.
Siguro,
napupuna rin ito ng mga publisher ng mga tabloid na pinagsusulatan ni Ginang Cristy ang kanyang mga banat kay Pokwang.
Someday, ‘di malayong mabura si Cristy Fermin sa industriya ng showbiz. Tandaan,
laging nasa huli ang pagsisisi.
Samantala, umani ng negatibong reaksyon
ang pagpapalit ng mga lalaki ni Kris Aquino.
‘Pag isiping mabuti,
parang si Kris ang lalaki kung saan basta-basta na lang niya inabonda ang mga taong nakapareha niya.
Ano kaya ang dahilan?
Kung tutuusin, malalaki
naman ang kanilang.... katawan! Ha ha ha!
Tanong ng marami, kailan
kaya magkakaroon ng lalaki si Kris na habambuhay na niyang makakasama?
Sa
ibang dako, may umuugong namang balita na magpapatayo ng sariling TV network ang bastos at mayabang na dating TV host na
si Willie Revillame.
Diyan na mauubos ang kanyang kayamanan!
Kung nagreklamo noon si Wilie sa pagho-host niya araw-araw sa Wowowee, paano pa
kaya kung sariling TV network na n’ya?!
Bukod pa diyan, kapag
magkaroon man ng sariling TV network si Willie Revillame, alam n’yo na kung ano ang magiging posisyon niya! Ha ha
ha ha!
Pero tanong natin, ‘di kaya resulta na ito sa super-super-super
niyang pagkamayabang?!
Marami sa atin ang nakakaalam na pinutol na ni
Willie ang kontrata niya sa ABS-CBN.
Nguni’t ayon naman sa Kapamilya
Network, walang karapatan si Willie na ipawalang-bisa ang kanyang kontrata sapagka’t legal nilang pinirmahan ang kasunduang
iyon. Kapag tuluyang nilabag ni Willie ang nasabing kontrata, puwede na siyang kasuhan!
Samantala, good news sa mga kasapi sa Pinoy Hot Line Civic Organization (PHLCO)!
Magkakaroon na kayo ng sariling uniporme katuwang si Ka. Michael Dulay. More info. sa Sunday.
Isa pang good news! Mayroon nang sariling motorsiklo si PHLRC Vice President Gerry Lanuza.
Mayroon pang good news! Pumalo na sa mahigit 4,200 ang nanonood ng video ng PHLRC
sa Youtube. Ang titulo ng video ay Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). Search n’yo na lang sa Youtube.
Sa ibang topic, sa darating na Linggo ay magkiki-kita ulit ang lahat ng kasapi sa PHLCO/RC sa Quezon
City Memorial Circle kaugnay ng lingguhang aktibidad na “TAKBO PHLRC” kung saan sabay-sabay na mag-eehersisyo
ang lahat ng miyembro.
Paalala: Magsuot ng kulay pula na damit,
magdala ng mineral water at mga gamit para sa sports. Kita-kits!
Atensyon
kay Ka. Rey Guinto, sa Lunes na po ang text n’yo.