Disyebre 15, 2010, dakong alas 2:00 ng
hapon, naihatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Sir Arnold Pajaron.
Kahapon, ako ang kumuha ng mga larawan at sa bawat pitik ko sa kamera, naalala ko ang kabaitan ni Sir Arnold. Naluluha rin
ako kahit papaano, dahil kung hindi dahil kay Sir Arnold Pajaron, wala kayong makikilalang Even Demata.
Ako po ay taus-pusong nakikiramay sa mga naulila ni Sir Arnold.
Sa mga kapatid sa PHLRC na nagtungo kahapon sa libing ni Sir Arnold, maraming salamat po sa inyo at buong giting akong
sumaludo sa inyo.
Muli, paalam, Sir Arnold!